
Kumpirmadong magkakaroon ng mga bagong coach ang susunod na season ng The Voice Kids Philippines, ayon sa report ng 24 Oras ngayong gabi, July 31.
Ito ay matapos kumalat ang larawan ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose kasama ang global recording artist na si Zack Tabudlo at ang Guico twins na sina Paolo at Miguel Benjamin ng bandang Ben&Ben.
Sa caption ni Zack, isinulat niya ang "soooooon" kasama ang V-sign at star emojis bago niya idugtong ang ️#SomethingBigIsComing #NewVoicesNewVibes
Full circle moment ang pagiging coach ng The Voice Kids para sa Gen Z singer-songwriter na si Zack dahil siya mismo ay naging contestant din ng nasabing kompetisyon noong 2014. Matatandang naging guest mentor din siya ng coach na si Billy Crawford sa nakaraang season ng The Voice Kids.
Samantala, for the first time in the history of The Voice Kids Philippines, uupo sina Paolo at Miguel ng Ben&Ben sa iconic red chair as duo para maghanap ng unique kids to mentor. Pero kahit dalawa sila, isa lang dapat na desisyon ng duo judges.
Makakasama nila sa panel ng The Voice Kids ang returning coaches na sina Julie Anne at Billy.
Ginanap ang final audition ng second season ng The Voice Kids noong July 6, 2025 sa GMA.
KILALANIN ANG REIGNING CHAMP NG THE VOICE KIDS NA SI NEVIN GARCENIEGO SA GALLERY NA ITO.