GMA Logo Bubble Gang November 30 episode
Source: Bubble Gang
What's on TV

Zaldy, natatakot daw umuwi; Senator Eme, nilaglag ang kapatid!

By Aedrianne Acar
Published December 2, 2025 12:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: LeBron James makes clutch plays as Lakers edge Suns
Maxine Medina embraces a simple, mindful skincare routine after motherhood
Iloilo Capitol workers to get at least P50,000 bonus

Article Inside Page


Showbiz News

Bubble Gang November 30 episode


Pasabog nina Zaldy Mo (Rodfil Obeso) at Senator Eme Manibalang (Cartz Udal), inabangan sa 'Bubble Gang'!

Dalawang personalidad na inaabangan ng mga Batang Bubble ang finally nagsalita na at ibinulgar ang kanilang mga nalalaman.

Napanood sa Bubble Gang kagabi November 30 ang expose ng tanod na si Zaldy Mo at sa nalalaman niyang insertion para sa budget ng kanilang Christmas Party.

Gumanap bilang Zaldy ang former Bubble Gang star na si Rodfil Obeso na nakilala bilang one-half ng sikat na duo na Moymoy Palaboy.

Sa pag-amin ni Zaldy sa Pambansang Comedy Show, sinabi rin ito na natatakot siya umuwi sa kanilang barangay.

Bakit kaya?

“Dati po akong tanod na laging tinatanong sa barangay hall kung nasaan ang CR, pero umalis na ako dahil sa anomalya. Noong isang Linggo, kinausap ako ni kagawad at sinabihan na mag-iinsert daw ng budget para sa Christmas party," lahad ni Zaldy.

Pagpapatuloy ng tanod, “Utos daw ni Chairman, pumayag po ako dahil ang utos ng hari ay hindi mababali. Tsaka naisip ko sa wakas makakatikim na naman ako ng paborito kong lumpiang shanghai. Pero, nagulat ako nang makita ko 'yung menu, puro butong pakwan at green peas lang ang nasa listahan, parang lamayan.

“Speaking of lamayan, natatakot ako umuwi dahil baka ako naman ang 'pag lamayan. Kasi, umalis ako ng barangay. Sabi ni kagawad, huwag daw ako umuwi at sila raw ang bahala sa akin. Kaya hanggang ngayon nandito pa ako sa kabilang barangay sa España. Balita ko pa 'pag umuwi ako, may mga lubak sa kalye sa barangay tatakpan na nila at ako ang gagawin panakip butas. Siya nga pala dahil wala akong trabaho, napilitan akong maging online seller. Ipapakita ko sa inyo ang aking mga binibenta, mga maleta po.”

Ipinamalas naman ng newest Ka-Bubble na si Cartz Udal ang galing niya sa pagpa-parody nang gumanap rin siya sa episode ng Bubble Gang bilang si Senator Eme Manibalang

Sa isang speech ni Sen. Eme, nilaglag nito ang sariling kapatid na si Jon-Jon na nalulong!

Saan?

Pag-amin ng Senadora, “Nagpunta po ako ngayon dito nang nanginginig! Hindi dahil sa natatakot ako, kung hindi dahil nahihiya!

“Gusto ko pong ibunyag sa inyong lahat ang sikreto tungkol sa aking kapatid. Bata palang po kami ni Jon-Jon batid ko na at alam ko na rin. At alam na rin ng buong pamilya na si Jon-Jon ay masamang bisyo. Nang bata pa lang kami at dahil buhay pa ang aming ama pinabayaan ko siya at akala ko, kapag tumanda na siya ay magiging mabuti ang lahat. Pero mali ako, nalulong na ang kapatid ko sa junk food!

“Mula umaga hanggang gabi, wala na siyang ibang kinain kung hindi chichirya!”

Balikan ang pasabog nina Zaldy at Senator Eme sa video below!

Zaldy Mo, may isinuplong sa Senado!

Senator Eme Manibalang, binunyag ang sikreto ng kanyang kapatid!

Hindi Zaldy niya, hindi Zaldy nila, Zaldy Mo!

RELATED CONTENT: Meet our newest Batang Bubble barkada!