GMA Logo liezel lopez and martin del rosario in voltes v legacy
What's on TV

Zandra sacrifices her life for Zardoz in 'Voltes V: Legacy'

By Jansen Ramos
Published September 6, 2023 2:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 31, 2025
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban
The fruits to have for Media Noche so you'll attract a prosperous 2026

Article Inside Page


Showbiz News

liezel lopez and martin del rosario in voltes v legacy


Sa September 5 episode ng 'Voltes V: Legacy,' sinagip ni Zandra ang pinakamamahal niyang si Prinsipe Zardoz sa gitna ng mainit na engkwentro nito at ni Zambojil.

Nakisimpatya ang Voltes V: Legacy nation sa pagkamatay ni Heneral Zandra (Liezel Lopez), ang kanang kamay ni Prince Zardoz (Martin Del Rosario) sa GMA Telebabad series.

Sa episode ng action-drama series noong Martes, September 5, napanood ang pag-alay ni Zandra ng kanyang buhay para sa kanyang pinakamamahal na si Prinsipe Zardoz.

Ito ay matapos sagipin ni Zandra si Zardoz sa gitna na mainit na tapatan nito at ni Zambojil (Christian Vasquez).

Pinanangga ni Zandra ang kanyang katawan nang barilin ni Zambojil si Zardoz para siya ang tamaan.

Nagkainitan ang dalawang pinuno ng Boazan matapos silang magsisihan dahil matagumpay na nakapasok sa kanilang planeta ang Voltes V team.

Mapapanood ang huling tatlong gabi ng Voltes V: Legacy 8:00 p.m., sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.

Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.

Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Voltes V: Legacy sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.

Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang gmapinoytv.com/subscribe para malaman kung paano mapapanood ang programa at ang iba pang shows ng GMA overseas.

Prinsipe Zardoz at Zandra ng 'Voltes V: Legacy', namasyal sa isang mall sa Terra Erthu