GMA Logo zanjoe marudo
Zanjoe Marudo with 'Apol of My Ai' co-star Zion Cruz. Courtesy: Nathan Studios on Facebook
What's Hot

Zanjoe Marudo, muntik nang maging OFW bago pasukin ang showbiz

By Nherz Almo
Published November 28, 2026 10:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'PBB Collab 3.0': Winwyn Marquez cries after receiving photo of daughter Luna on a shirt
Westside Resort to welcome first guests on December 6
Patayng Lawas sa usa ka Babaye, Napalgan sa Palo, Leyte | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

zanjoe marudo


Ayon kay Zanjoe Marudo, nagkaroon ng pagkakataong kailangan niyang mamili kung magiging OFW o papasok bilang housemate sa 'PBB.'

Bago pumasok sa showbiz, naging modelo muna si Zanjoe Marudo. Sa katunayan, nagkaroon pa siya ng offer noon na maging modelo sa Singapore.

Sa ginanap na media conference para sa nationwide screening ng Apol of My Ai nitong Huwebes, November 26, nabanggit ng aktor na pinagpilian niya noon kung tatanggapin ang modeling offer sa Singapore o magiging housemate sa reality show na Pinoy Big Brother.

Kuwento ni Zanjoe, “Bago ko mag-artista. Nagkaroon ako ng opportunity sana magtrabaho ako as a model. Nabigyan ako [ng opportunity] na pwedeng magtrabaho abroad as a ramp model or gagawa ng ad.

“Kumpleto na yung requirements ko, kaya lang pumasok yung Pinoy Big Brother. So, nagkaroon ako ng option kung itutuloy ko ba yun o hindi.

“Nanalo sa survey, Big Brother, so doon ako pumasok. Tinanong ko lahat ng mga kaibigan ko at pamilya ko. Lahat ng sagot nila, Big Brother.”

Sa kabila ng kanyang naging desisyon, wala raw anumang pagsisisi si Zanjoe.

Katuwiran niya, “Wala naman kasi dahil sa pagpili ko ng career ko dito sa Pilipinas, mas marami akong bansa na napuntahan, di ba? Mas marami akong naikot na lugar na hindi ko naman nakala magpupuntahan ko kung nagtrabaho ako ng hindi yung trabaho ko ngayon.

“Mas nadalaw ko yung pamilya ko sa abroad nang mas madalas dahil sa trabahong ginagawa ko. Wala talagang pagsisisi mo kung anong pinili ko dahil lahat maganda yung naging effect sa akin. Hindi lang sa akin, pati sa pamilya ko.”

Hinirang na fourth Big Placer si Zanjoe sa kauna-unahang Pinoy Big Brother Celebrity Edition noong 2006.

Zanjoe Marudo kasama si Zion Cruz sa isa sa mga eksena nila sa 'Apol of My Ai.'

Anak ng OFW

Bagamat hindi natuluyang naging OFW, naka-relate pa rin daw si Zanjoe sa karakter na ginampanan niya sa Apol of My Ai, na isa sa official entries ng 2026 Puregold CinePanalo Film Festival.

Anak kasi si Zanjoe ng isang OFW, kaya alam niya ang pakiramdam ng anak niya sa pelikula na si Apol, na ginampanan ng Best Child Actor sa festival na si Zion Cruz.

"Siguro noong binasa ko ito, isang upuan lang. Nagustuhan ko talaga agad kasi ito ang mga type ng concept ng [movie about] life, makatotohanan.

“Malapit din sa akin kasi nakaka-relate din ako kahit paano sa role ni Apol dahil isa rin ako, nung generation ko, nung kabataan ko, nagtatrabaho din sa ibang bansa yung magulang. Medyo familiar sa akin yung sitwasyon.”

Pero di tulad ni Apol, mas madali raw niyang naintindihan ang sitwasyon nila noon, kung saan madalas ay malayo ang kanyang magulang.

“Dahil siguro noong time namin wala pang social media, wala namang technology o konti lang. Siguro mas maaga kong naintindihan yung sitwasyon—kung bakit kailangang magtrabaho sa ibang bansa, bakit kailangang magsakripisyo ng mga anak. Mas naging malinaw sa akin, hindi naging masama yung dating, hindi masyadong negative.

“Excited ka pa nga kasi ikaw may pasalubong galing abroad, yung kaibigan mo wala. Parang ganun yung naging dating sa akin, swerte pa ako kasi nakakapag-try ako ng mga stateside, ganun,” paliwanag ni Zanjoe.

Gayunman, naiintindihan din daw niya ang side ni Apol, na naging malayo ang loob sa tatay niyang OFW na si Poli, na ginampanan ni Zanjoe.

“Pero ngayon, siyempre, nung ginawa ko na itong pelikula, kung may natutuhan [ako], yun nga dapat intindihin din natin ang sakripisyo ng mga naiiwan na bata.

“Medyo hirap kasi laging natin tinitingnan na itindihin natin ang magulang natin dahil nagtatrabaho sila para sa atin.

“Pero nakakalimutan natin yung pagdadaanan at trauma ng batang maiiwan. Hindi lang dahil bibigyan mo ng pang-aral, pagkain, pasalubong. Importante yung oras din at physical na magkasama kayo.”

Kinilala si Zanjoe bilang Best Supporting Actor sa CinePanalo Film Festival para sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Poli sa pelikulang Apol of My Ai.

Mapapanood na ito sa mga sinehan nationwide simula sa Miyerkules, December 2.

Related gallery: Dating trabaho ng celebrities bago sila nakilala