Article Inside Page
Showbiz News
Dahil natutuwa si Gabby kay Zarah Mae, lagi niya raw itong pinapasaya. Ayaw kasi ng 'Dading' star na puro trabaho lang ang maaalala ng bata sa kanyang childhood days.
By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Noong mag-umpisa ang
Dading, inakala ni Kapuso actor Gabby Eigenmann na mahiyain at tahimik na bata ang anak niya sa show na si Zarah Mae Deligero.
Pero nang maging komportable na ang child actress sa mga katrabaho niya sa Afternoon Prime soap, lumabas na raw ang kanyang tunay na kulay. Lately na lang kasi na-discover ni Gabby
ang kakulitan ni Zarah Mae.
Dahil natutuwa si Gabby kay Zarah Mae, lagi niya raw itong pinapasaya. Ayaw niya kasing puro trabaho lang ang maaalala ng bata sa kanyang childhood days.
Niregaluhan ni Gabby si Zarah Mae. “'Yun nga kaka-birthday lang niya. Nagbigay ako ng regalo sa kanya. I gave her a Lalaloopsy doll. Sabi ko, it's not just from me, galing sa amin 'to ni Ninong Joemer saka ni Mommy Glaiza,” aniya.
Dagdag pa niya, “Natuwa naman 'yung bata. Kasi mahilig siya sa chocolates eh.”
Sa istorya ng
Dading, hirap ang character ni Gabby na si Carding na ibigay ang gusto ni Precious (Zarah Mae). Kaya naman offcam ay bumabawi si Gabby sa child actress.
“Kung hindi ko siya ma-win back sa series na 'to, offcam [ay] bubudburan ko siya ng tsokolate talaga,” pahayag ni Gabby.
Ikinuwento rin ni Gabby ang pagpasyal niya kay Zarah Mae sa isang mall. “Noong nag-Trinoma kami one time, akala namin, para siyang isang kalapating nakawala sa kulungan," anang
Dading star.
Dagdag niya, "She was so happy. Sabi ko, uy ganito ka pala 'pag masaya ka."