GMA Logo Zeinab Harake, Benedict Cua
Photo by: benedict_cua (IG); zeinab_harake (IG)
Celebrity Life

Zeinab Harake, Benedict Cua, todo ang suporta kay Mika Salamanca sa 'PBB' Big Night

By Aimee Anoc
Published July 6, 2025 5:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Zeinab Harake, Benedict Cua


Panoorin ang proud moments nina Benedict Cua at Zeinab Harake para sa kanilang best friend na si Mika Salamanca sa Big Night ng 'Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition' dito.

All-out ang support ng celebrity vloggers na sina Zeinab Harake Parks at Benedict Cua para sa kanilang best friend na si Mika Salamanca sa Big Night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na ginanap sa New Frontier Theater noong Sabado, July 5.

Sa Instagram, ipinakita ni Benedict kung paano niya i-cheer si Mika nang ianunsyo na ang Big Winner Duo, na nasungkit nina Mika at Brent Manalo.

Napatalon at napasigaw si Benedict sa kanyang upuan nang marinig na ang BreKa ang nanalo.

"I'm shaking. Parang hihimatayin ako," nanginginig na sabi niya.

Todo rin ang kaway ni Benedict kay Mika na nasa stage. At nang matapos ang event ay niyakap niya ang kaibigan.

A post shared by BEN | 柯霆峰 (@benedict_cua)

Tulad ni Benedict, todo rin ang hiyaw ni Zeinab nang ianunsyo ang BreKa bilang Big Winner Duo. Sinorpresa rin niya si Mika sa backstage at binigyan nang mahigpit na yakap.

"Worth it ang pagkawala mo sa kasal ko baby. I'm so happy for you [Mika Salamanca]," sulat ni Zeinab.

Congratulations, Mika Salamanca at Brent Manalo!

SAMANTALA, BASAHIN ANG REAKSYON NG NETIZENS SA PBB BIG WINNER DUO NA SINA BRENT MANALO AT MIKA SALAMANCA SA GALLERY NA ITO: