
Matapos i-release sa YouTube ang kanyang Lebanon vlogs, nag-upload na ulit si Zeinab Harake ng bagong content niya ngayong nasa Pilipinas na siya ulit.
Kamakailan lang, ibinahagi ni Zeinab ang ilang videos kung saan makikitang nagbakasyon siya sa Lebanon kasama ang kanyang mga kapatid at kanilang ama na isang Lebanese.
Kasunod nito, masayang binalikan ng content creator ang ilan sa kanyang paboritong childhood places.
Si Zeinab ay lumaki sa Bacoor Cavite, kung saan kasama niya noon ang kanyang ina na isang Pinay.
Game na game na ipinasyal ni Zeinab ang Zebbies at ilan pang netizens sa kanyang childhood hometown.
Binisita niya ang ilang sa mga dati niyang pinupuntahan gamit ang kanyang pinakaunang motorsiklo.
Habang naglilibot, ipinapaliwanag niya ang bawat memories na natatandaan niya tungkol sa mga lugar na kanyang binibisita.
Kabilang na rito ang isang simbahan sa Bacoor na ayon kay Zeinab ay doon siya madalas na pumupunta noong siya ay bata pa.
Bukod dito, bumisita rin si Zeinab sa kanyang eskwelahan noong siya ay isang high school student pa lang.
Panoorin kung ano ang ilang naging kaganapan sa pagbisita ng half-Filipino at half-Lebanese na vlogger sa kanyang childhood hometown: