GMA Logo Zeinab Harake
Celebrity Life

Zeinab Harake drops last vlog in PH before flying to Lebanon

By EJ Chua
Published September 13, 2023 10:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Timely Stephen Curry scoring helps Warriors defeat Mavericks
Christmas not the same for all, calamity survivors show

Article Inside Page


Showbiz News

Zeinab Harake


Masaya ang vlogger na si Zeinab Harake na matutupad na ang isa sa requests niya sa kanyang ama na isang Lebanese.

Ilang netizens ang napapatanong ngayon tungkol sa latest vlog ng kilalang YouTuber na si Zeinab Mohamad Ocampo Harake na mas kilala bilang si Zeinab Harake o Zebby.

Isang vlog kasi na may title na 'My last vlog (Bye Zebbies),' ang in-upload ni Zeinab nito lamang Martes, September 12, 2023.

Sa naturang vlog, mapapanood ang paliwanag niya kung bakit sinabi niyang last vlog na niya ang naturang video.

Pansamantalang nagpaalam ang kilalang YouTuber dahil ayon sa kanya ay pupunta sila ng kanyang pamilya sa Lebanon.

Pagbabahagi niya, mag-i-stay sila ng kanyang mga kapatid at kanyang ama na isang Lebanese sa nasabing bansa upang magbakasyon.

Masaya ring sinabi ni Zeinab na ang pagpunta sa Lebanon ay isa sa matagal nang request niya sa kanyang ama.

Sa kalagitnaan ng video, mapapanood na ka-video call ni Zeinab ang basketball player at kanyang boyfriend na si Bobby Ray Parks Jr.

Sa huling parte ng kanyang vlog, sinabi ng vlogger na ang susunod niyang content ay gagawin niya sa Lebanon habang sila ay nagbabakasyon doon.

Kamakailan lang, nag-upload si Zeinab ng isang vlog tungkol sa four-day vacation niya sa Bohol kasama ang kanyang mga anak na sina Lucas at baby Bia, at ang boyfriend niya na si Ray Parks Jr.

Si Zeinab ay half-Filipino at half-Lebanese at sa kasalukuyan ay mayroon na siyang 13. 7 million subscribers sa YouTube.

Panoorin ang last vlog ni Zeinab sa Pilipinas sa video na ito: