GMA Logo zeinab harake
PHOTO COURTESY: GMA Network
What's on TV

Zeinab Harake, kinumpirma ang relasyon nila ni Bobby Ray Parks Jr.

By Dianne Mariano
Published June 23, 2023 10:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Saan nagmula ang Easter egg hunting? | GMA News Feed
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival

Article Inside Page


Showbiz News

zeinab harake


“He's my partner now," saad Zeinab Harake tungkol kay Bobby Ray Parks Jr.

Kinumpirma ng YouTube content creator na si Zeinab Harake ang relasyon nila ng basketball player na si Bobby Ray Parks Jr. sa latest episode ng Fast Talk with Boy Abunda.

Sa panayam ng batikang talk show host na si Boy Abunda, diretsong tinanong ng “King of Talk” ang sikat na vlogger kung boyfriend nito si Bobby Ray Parks Jr., na present din sa studio ng programa.

Sagot ni Zeinab, “Yes. He's my partner now. Natutuwa ako kasi parang hindi boyfriend 'yung nakita ko and sana nga 'wag mausog."

Ayon pa sa kanya, mabuting tao ang kanyang nobyo. “He's really a good man po. Hindi naman ako magtitiwala agad-agad kung hindi niya rin naman in-earn 'yun sa akin and pinatunayan niya naman 'yung sarili niya.”

Nagsimulang ma-link si Zeinab kay Bobby nito lamang May 2023 nang lumabas ang mga larawan nila na magkasama sa Japan sa in-upload sa Facebook ng online personality at kaibigan ng una na si Xian Gaza.

Samantala, mayroong babaeng anak si Zeinab, si Bia, sa kanyang dating boyfriend na si Skusta Clee. Noong April 2022, inilahad ng content creator na nagkaroon siya ng miscarriage sa kanilang second baby.

Mayroon ding adopted son si Zeinab na si Lucas.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SAMANTALA, TINGNAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA ZEINAB HARAKE AT BOBBY RAY PARKS JR. SA GALLERY NA ITO: