GMA Logo Zeinab Harake
Celebrity Life

Zeinab Harake, may pa-house tour sa Lebanon

By EJ Chua
Published September 21, 2023 11:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Zeinab Harake


Naglabas na ng kauna-unahang Lebanon vlog si Zeinab Harake at ito ay pasilip ng bahay nila doon!

Ilang linggo matapos umalis ng Pilipinas, naglabas na ng unang panibagong vlog ang kilalang content creator na si Zeinab Harake.

Ang naturang vlog ay ang kauna-unahang content ni Zeinab sa Lebanon, ang bansa kung saan nagmula ang kanyang ama.

Sa unang parte ng vlog, makikita si Zeinab sa labas ng isang gate habang ipinapaliwanag ang kanyang pa-house tour.

Mapapanood sa videos na sa bundok nakatayo ang bahay na tinutuluyan ni Zeinab at ng kanyang pamilya sa Lebanon at napakaganda ng view sa paligid nito.

Sa kalagitnaan ng video, mapapanood na habang nagha-house tour, ka-video call ni Zeinab ang basketball player at kanyang boyfriend na si Bobby Ray Parks Jr.

Sa huling parte naman ng vlog, maraming ipinaliwanag ang vlogger tungkol sa bahay ngunit sa huli ay ibinunyag niya na prank lamang daw ang sinabi niyang bahay nila ang tinutuluyan nila ngayon.

Sinabi ni Zeinab na ang ipinakita niyang bahay ay nirentahan lamang nila upang doon mag-stay habang sila ay nasa Lebanon.

Sa mismong vlog, makikita kung gaano kalaki ang bahay at mayroon itong napakaraming kwarto sa loob.

Sa labas naman nito, matatagpuan ang isang swimming pool, kung saan sinabi ni Zeinab na paborito niyang tambayan ang pool area.

Matatandaang ilang netizens ang napatanong nang ilabas ni Zeinab ang sinabi niyang 'last vlog' niya sa Pilipinas.

Tila na-prank din ang ilan at inakala na hindi na maglalabas ng content ang famous vlogger.