
Viral sa YouTube ang latest vlog ni Zeinab Harake-Parks kasama ang adorable kids nila ni Bobby Ray Parks Jr. na sina Zebbiana “Bia” at Kuya Lucas.
Related gallery: Ray Parks Jr.'s daddy moments with Zeinab Harake's kids Lucas and Zebbiana
Game na game na sinubukan ni Zeinab sa vlog na "Who Knows Me Better?", kung kabisado na ba nina Bia at Lucas ang ilang tungkol sa kaniya bilang kanilang mommy.
Itinanong ng content creator sa kaniyang babies ang mga paborito niyang mga pagkain, mga bagay, at marami pang iba.
Parte ng vlog ang cute na cute na pagsagot ni Bia sa tanong kung sino ang favorite male singer ng kanyang mommy.
Ang pangalan ng American singer-songwriter na si Bruno Mars ang kaniyang sagot at tuwang-tuwa siya nang malaman niyang tama ito.
Nakuha rin nina Bia at Lucas ang tamang sagot, matapos nilang sabihin na si Jennie ang paboritong BLACKPINK member ng kanilang mommy.
Labis na nag-enjoy si Zeinab sa kulitan at bonding nila ng kaniyang kids habang ginagawa ang sikat na challenge.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 1.1 million views ang latest vlog na ito sa YouTube.
Samantala, ang vlogger at celebrity mom na si Zeinab ay happily married sa professional basketball player na si Bobby Ray Parks Jr., na itinuturing na daddy nina Bia at Lucas.