GMA Logo Zeinab Harake
Photo source: zeinab_harake (IG)
What's Hot

Zeinab Harake, nanawagan laban sa content theft

By Karen Juliane Crucillo
Published May 6, 2026 12:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UAAP: Cabs Cabonilas commits to FEU men's basketball team
Diesel tanker fire in Quirino causes P15 million damage
Pasig City recognized at global city mayor summit, receives $1 million grant

Article Inside Page


Showbiz News

Zeinab Harake


Zeinab Harake sa online content theft: "Wag n'yo naman po sayangin hirap at pagod namin."

Nagsalita ang content creator na si Zeinab Harake tungkol sa mga nagnanakaw ng content online.

Sa Facebook, ibinahagi ni Zeinab ang kaniyang pagkadismaya sa mga fan page na kumukuha ng kanilang mga video at ini-uupload bilang sliced clips.

"Nakaka-frustrate 'yung mga Facebook page na kunwari fan page pero nag-a-upload ng sliced clips ng videos, tapos hindi man lang pino-promote 'yung original link ng vlog sa YouTube. Yung iba, bina-block pa 'yung page namin para hindi namin sila ma-report," saad niya.

Dagdag niya, "Ginagawa [n'yo] ba talaga 'to para monetize ang accounts [n'yo]?"

Para kay Zeinab, hindi makatarungan ang ginagawa ng mga taong nagnanakaw ng content dahil malaki ang kanilang ginagastos at effort sa paglabas nito.

"Siyempre, apektado ang views sa YouTube, habang sa inyo napupunta yung mataas na views kahit hindi naman sa inyo galing ang content. Nakakalungkot at nakakadismaya," pahayag niya.

"Tigilan [n'yo] na ang pamimirata ng mga videos. 'Wag [n'yo] naman po sayangin hirap at pagod namin," panawagan ng content creator.

Si Zeinab ay kilala bilang isang content creator sa kaniyang mga food, adventure, at “a day in the life” vlogs. Nakipag-collab na rin siya sa ilang artista at fellow content creators tulad nina Marian Rivera, Mika Salamanca, at Ivana Alawi.

RELATED GALLERY: BEWARE: Celebrities, nagbabala tungkol sa fake social media pages