
May bagong vlog na in-upload si Zeinab Harake tungkol sa kanyang pamilya.
Dito ay mapapanood ang sweet moments nila ng kanyang fiance na si Bobby Ray Parks Jr. kasama ang kanilang babies na sina Zebbiana “Bia” at Lucas.
Related gallery: Bobby Ray Parks Jr.'s daddy moments with Zeinab Harake's kids Lucas and Zebbiana
Ibinahagi nila ang mga naging kaganapan sa first day of school nina Bia at Lucas.
Sumama si Zeinab sa paghatid kay Bia at habang si Daddy Ray naman ang nagpaiwan upang bantayan ang kanilang baby girl.
Sunod naman ay sinundo ni Zeinab si Lucas sa school nito at saka sila nag-foodtrip.
Muling bumuhos ang papuri ng netizens kay Zeinab at Ray sa pagiging hands on nila sa pag-aalaga kina Bia at Lucas.
Mayroon pang nagsabi na saludo sila sa pagiging mabuting magulang ng dalawa.
Marami ang nakapansin na mula noong dumating ang basketball player na si Ray sa buhay ni Zeinab, itinuturing na siyang tunay na ama ng mga anak ng actress-vlogger.
Tila inspirasyon ng napakaraming viewers at netizens ang #HarakeParks family.