
Isang panibagong achievement at tagumpay ang ibinungad ng bagong taon para kay Zeinab Harake.
Kamakailan lang, masayang ibinahagi ni Zeinab na umabot na sa 14 million ang bilang ng kanyang subscribers sa YouTube.
Ipinagdiwang ito ng vlogger-actress kasama ang kanyang mga anak na sina Lucas at Zebbiana o Bia.
Ang good news ay ibinahagi ni Zeinab sa pamamagitan ng isang Facebook post.
Ayon sa caption ng celebrity mom, “01/2024 salamat sa unang buwan ng taon. Happy 14 million YouTube subscribers, Zebbies.”
Sa comments section, bumuhos ang pagbati ng netizens at fans para kay Zeinab.
Samantala, bukod sa kanyang YouTube channel, mayroon na rin siyang million followers sa iba pa niyang social media accounts.
Sa kasalukuyan, mayroon siyang 5.4 million followers sa Instagram at 16 million followers naman sa video-sharing application na TikTok.
Congratulations, Zeinab at pati na rin sa Team Zebby!