
"Itanong n'yo lahat!"
Ito ang naging biro ni Zeinab Harake nang sumailalim siya sa lie detector test para sa vlog ni Bea Alonzo.
Sa 16-minute video, natanong si Zeinab tungkol sa kanyang nakaraang relasyon sa rapper na si Skusta Clee, o Daryl Borja sa totoong buhay.
Unang tanong ni Bea, "Napapagod ka na bang pag-usapan siya?"
Sumagot si Zeinab ng, "Yes," na truth naman sa lie detector.
Ayon sa 23-year-old social media star, "Nakakapagod. Paulit-ulit na."
Kaya naman ang pabirong payo ni Bea sa kanya, "Dapat i-record mo na lang yung sarili mo. 'Tapos kapag may nagtatanong, 'Ito na po yung totoong katotohanan.'"
Sa palagay ni Zeinab, mas makabubuti sa kanya ang nangyaring hiwalayan.
Paliwanag niya, "Wala na kasi yung pressure na araw-araw mong iisipin yung kailangan mong unahin yung ibang tao kaysa sa sarili mo. Ngayon, parang uunahin mo na lang sarili mo at yung mga taong kailangan ka."
Paglilinaw din niya sa naging relasyon nila ni Skusta Clee, "Hindi ako perfect, but no. Hindi ako nagkulang."
May isang anak sina Zeinab at Skusta Clee, si Zebianna.
Samantala, inamin ni Zeinab na may mga nagpaparamdam sa kanya ngayon.
Pero agad niyang nilinaw na, "Hanggang dating stage lang ako, get to know lang. Pero hindi pa 'yon yung priorities ko ngayon. Sabi ko nga, pwede mo naman bigyan ng time yung sarili mo maging happy nang slight, yung may kilig-kilig."
Aminado si Zeinab na ngayon sinasabi niya sa sarili na, "Ayaw ko talaga ma-in love." Gayunman, aniya, "Ang bata ko pa, e. Hindi ko sinasarado yung isip ko na dapat wala kasi, kawawa yung ibang taong madadamay."
Sunod na tanong ni Bea, "Kung mai-in love ka ulit, ano yung hinahanap mo na sa susunod mong partner?"
Sagot ni Zeinab, "Yung kaya akong respetuhin at saka tanggapin kami ng mga anak ko."
Sundot na tanong ni Bea, "Hahanap ka na ba ulit ng gwapo?"
Natatawang sagot ni Zeinab, "Gusto ko na ma-try."
Hirit ni Bea sa kanya, "Hoy, ang dami-daming gwapo diyan. Hindi mo lang pinapansin. May mga celebrities na hindi mo pinapansin"
Sinang-ayunan naman ito ni Zeinab, "Hindi kasi ako namamansin din talaga. Mukha lang po akong malandi, pero kapag nilalandi na ako... Puro talak lang ako na, 'Landiin n'yo na ako. Baby, come here. Pero medyo takot pa ako, konti."
Panoorin ang kabuuan ng lie detector test kay Zeinab sa vlog ni Bea:
TINGNAN ANG SEXIEST MOM BOD PHOTOS NI ZEINAB DITO: