
Sobrang saya ng puso ng vlogger-actress na si Zeinab Harake sa pagdating ng bagong miyembro ng kanilang growing family.
Pinag-uusapan ngayon online ang bagong vlog ng kapatid ni Zeinab na si Rana Harake, kung saan tampok ang pagsilang ng huli sa kaniyang ikalawang anak sa partner na si Antonio na kilala ng marami bilang Tonyo.
Ipinasilip din ni Rana sa naturang vlog ang ilang nangyari bago siya manganak.
Mapapanood dito na hindi kaagad nasamahan ni Tonyo si Rana habang siya ay nasa delivery room dahil nagkasabay ang pagle-labor ng huli at ang graduation ng kanilang panganay na anak na si Neisha.
Habang nasa school ng kanilang firstborn, si Zeinab ang nagbantay sa kaniyang kapatid habang ito ay nanganganak.
Sa ilang parte ng vlog, ipinasilip ang happy moments ng pamilya nina Rana at Tonyo kasama ang bagong miyembro ng kanilang pamilya.
Isinunod sa partner ni Rana ang pangalan ng kanilang baby boy--ang cute na cute na si Antonio “Thirdy” Enriquez.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 466,000 views ang vlog ni Rana sa YouTube.
Bobby Ray Park Jr.'s daddy moments with Zeinab Harake's kids Lucas and Zebbiana
Samantala, si Zeinab ay happily engaged sa basketball player na si Bobby Ray Parks Jr., ang itinuturing na daddy ng mga anak ng una na sina Lucas at Zebbiana o Bia.