
Bilang parte ng isang love team noon, hindi nakapagtataka na nagkagustuhan ang on-screen partners na sina Zephanie at Michael Sager.
Ito ang tanong na sinagot ng Born to Shine actors sa pagbisita nila sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Martes, March 17.
Iamin ni Michael na madalas silang matanong ni Zephanie kung nagkatuluyan ba talaga sila. Ngunit sabi ng aktor, nanatili lang talaga sila ni Zephanie bilang “good friends.”
“We were, at a certain limit talaga po, good friends. As much as people don't believe it, ganu'n, e. It came to a point that we call each other twins, kasi ang dami naming similarities,” sabi ni Michael.
Dagdag pa ni Zephanie, talagang best friends lang sila ni Michael.
BALIKAN ANG ILAN SA SWEETEST MOMENTS NINA ZEPHANIE AT MICHAEL SA GALLERY NA ITO:
Binalikan naman ni King of Talk Boy Abunda ang sinabi noon ni Zephanie na nag-iba ang kanilang pagkakaibigan, at tinanong kung ano ang ibig sabihin nito.
Sagot ni Zephanie, “I guess I'm just gonna be honest, when you're with someone constantly, and you get to know them, parang there's always a chance na you admire the person.”
Paglilinaw ng batikang host, “Hindi na-fall? Nag-admire lang? Or did you fall?”
Sagot ng aktres, tingin naman niya ay normal lang na magka-crush siya, lalo na sa isang katulad ni Michael. Sa huli, nilinaw ni Zephanie na nagkagusto nga siya sa dating ka-love team.
Nang tanungin naman ni Boy si Michael, sabi ng aktor, “Hindi mahirap maging crush si Zeph, I mean, napaka-talented, she's very pretty, so there came a point na obviously, nagka-crush din naman.”