GMA Logo Zephanie at Shan Vesagas
Photo by: MAKA LOVESTREAM
What's on TV

Zephanie at Shan Vesagas, grateful na naging love team ang isa't isa sa 'MAKA LOVESTREAM'

By Aimee Anoc
Published September 11, 2025 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Environmentalist sa Negros Oriental, Gipusil Patay | Balitang Bisdak
24 Oras Express: January 16, 2026 [HD]
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Zephanie at Shan Vesagas


Shan Vesagas to Zephanie: "I'm really grateful na ikaw 'yung partner ko. Honestly, God knows, na I want it to be you. Ikaw na talaga. Promise."

Grateful sina Zephanie at Shan Vesagas na maka-love team ang isa't isa sa hit youth-oriented show na MAKA, at sa spinoff nito na MAKA LOVESTREAM.

Sa isang online exclusive video ng MAKA LOVESTREAM, sinabi nina Zephanie at Shan kung bakit sila grateful sa isa't isa. "I'm really grateful na ikaw 'yung partner ko," nakangiting sabi ni Shan habang nakaharap kay Zephanie. "Honestly, God knows, na I want it to be you. Ikaw na talaga. Promise.

"From the very start kasi you were patient kahit alam mo na newbie lang ako, saktuhan lang ako, patient ka. So, that made me settle as an artist. 'Yung guidance mo... kasi tayo naman lagi magkaeksena nu'n kahit one liner lang ako nu'ng second season natin."

Hindi naman napigilan ni Zephanie na mapangiti sa mga sinabing ito sa kanya ni Shan. Nagpasalamat din ang aktres kay Shan.

"Thank you for saying that. I mean, ako rin naa-appreciate ko na you are honest about that," sabi ni Zephanie.

"Syempre, it inspires me to be better, too, kasi I work with someone na who's willing to learn from other people knowing na it's your first show."

Dagdag ng aktres, grateful siya sa MAKA dahil nakatagpo siya ng maraming tao na naging parte na rin ng kanyang buhay.

"Grateful ako for MAKA talaga kasi I've met a lot of people na who played and who still play a lot of important roles in my life, like kayo syempre mga kaibigan ko.

"I just learn more about friendship, about family, about love, and 'yung growth natin as a person. Thank you for being you," sabi ni Zephanie kay Shan.

Panoorin ang nakakakilig na kuwentuhan nina Zephanie at Shan Vesagas tungkol sa isa't isa sa online exclusive video na ito:

Subaybayan sina Zephanie at Shan Vesagas bilang Faith at Joaquin sa MAKA LOVESTREAM tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES SA 'MAKA LOVESTREAM' SA GALLERY NA ITO: