GMA Logo MAKA LOVESTREAM stars Zephanie and Shan Vesagas
What's on TV

Zephanie at Shan Vesagas, nagbigay kilig sa kanilang 'Tell me you love me in 10 seconds' video

By Aimee Anoc
Published September 11, 2025 4:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOJ says Brice Hernandez, Jaypee Mendoza didn't qualify as state witnesses
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

MAKA LOVESTREAM stars Zephanie and Shan Vesagas


Panoorin rito ang nakakakilig na reenactment nina Zephanie at Shan Vesagas sa sikat na lines nina Angelu de Leon at Bobby Andrews sa pelikulang 'Ang Lahat ng Ito'y Para Sa 'Yo.'

Nagbigay kilig ang love team nina Zephanie at Shan Vesagas o ShanZeph ng MAKA LOVESTREAM nang gayahin ang sweet na sweet na lines nina Angelu de Leon at Bobby Andrews bilang Cathy at Ariel sa 1998 romance film na Ang Lahat ng Ito'y Para Sa 'Yo.

Ni-reenact nina Zephanie at Shan ang nakakakilig na linyahan nina Cathy at Ariel habang nasa payphone. Sa eksena, sampung segundo na lamang ang natitirang oras kay Ariel sa payphone kung saan sinabihan siya ni Cathy na "tell me you love me in 10 seconds." At paulit-ulit namang nag-"I love you" si Ariel kay Cathy hanggang sa maubos na ang oras.

Habang ginagawa nina Zephanie at Shan ang nakakakilig na reenactment video ay nasa kanilang gilid ang '90s hottest love team na sina Angelu at Bobby, na tuwang-tuwang nanonood sa kanila.

@makalovestream.official

Ang humamon, ShanZeph! | MAKA LOVESTREAM Huwag palalampasin ang #makaLOVESTREAM tuwing Sabado, 4:45 PM sa GMA-7, pagkatapos ng 'Wish Ko Lang'. Panoorin anytime ang ating previous episodes na available sa GMA Public Affairs YouTube channel.

♬ original sound - Maka Lovestream

Komento ng isang fan, "Huy, ang cute."

"Internally screaming," sulat naman ng isang Facebook user.

"ShanZeph naman papakilig naman kayo," dagdag ng isang netizen.

Nabitin ba kayo? Abangan sina Zephanie at Shan Vesagas bilang Faith at Joaquin sa MAKA LOVESTREAM para sa mas marami pang kilig moments.

Napapanood din sa nasabing youth-oriented show sina Angelu at Bobby bilang Mama Pinky at Papa Jack, mga magulang ni Faith.

Subaybayan ang MAKA LOVESTREAM tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES SA 'MAKA LOVESTREAM' SA GALLERY NA ITO: