GMA Logo Zephanie
Source: zephanie/IG
What's on TV

Zephanie, emosyonal na binalikan ang pinagdaanang hirap at rejections noong nasisimula pa lang sa showbiz

By Kristian Eric Javier
Published March 19, 2026 1:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cathay Pacific suspends Dubai, Riyadh flights until April 30 over Middle East war
2 men in ‘dead drop’ drug scheme nabbed in CDO
Roofing materials at food packs, hatid ng GMAKF sa mga binagyo sa Brgy. Pagsangahan | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Zephanie


Naniniwala si Zephanie na sa kabila ng rejections, may ibang plano at purpose ang Panginoon sa kaniya kaya't hanggang ngayon ay kumakanta pa rin siya.

“Maraming hindi nakikita 'yung mga tao sa pinagdadaanan natin sa industry, so I'm just so happy na my story is not written by me, but by God."

Ito ang naging pahayag ni Born to Shine star Zephanie nang emosyonal niyang balikan ang hirap na pinagdaanan sa pagpasok niya sa show business sa naganap na GMA Integrated News Interviews.

Pag-amin ni Zephanie kay Nelson Canlas, marami ang hindi naniniwala sa kaniyang talento noong umpisa, kaya napuno ng rejections ang simula ng kaniyang karera sa edad na 12. Pag-amin pa ng singer-actress, dumating pa siya sa puntong kinuwestiyon niya ang sariling pangarap.

"Dumating din po sa point na I was really asking myself, 'Para ba 'to sa 'kin? Am I meant to be a singer or sa industry na 'to? Baka hindi talaga.' And umabot po ako sa point na ayoko na," sabi ni Zephanie.

TINGNAN ANG PAGTATANGHAL NI ZEPHANIE SA WORLD EXPO SA OSAKA, JAPAN SA GALLERY NA ITO:

Dumating din umano siya sa puntong sinabi niya sa kaniyang mga magulang na gusto na lang niyang iwan ang show business at mas pagtuunan ng pansin ang pag-aaral.

Ngunit ayon sa aktres, "Sila 'yung pumilit sa 'kin na mag-audition. But I guess, 'yun talaga, kung kailan pasuko ka na, du'n pa macha-challenge, du'n pa mate-test 'yung faith mo talaga na 'How much do you really love your dream? How much do you believe in yourself na you can do it?'"

Ibinahagi rin ni Zephanie ang isang pagkakataon na sobrang down na siya. Bago sumalang sa isang kompetisyon na sinalihan niya noon, kuwento ng aktres, ay umiiyak na siya sa isang kuwarto dahil nag-away na sila ng kaniyang mommy.

Pag-alala ni Zephanie, "Kasi sabi niya, 'Ano ba, gusto mo ba talagang kumanta o hindi?' Parang teleserye na po 'yung feeling nu'n. And then I couldn't answer her, so my dad said to me, sabi niya, 'Try lang natin one last time. And I told myself, I remember, 'Okay Lord, last na 'to. If wala talaga, I'm done with this dream. Parang tapos na,'"

Ngunit tila may ibang plano para sa kaniya si Lord dahil hanggang ngayon, ipinaparinig pa rin ni Zephanie ang maganda niyang boses at ipinapamalas ang galing niya sa pag-arte.

Ngayon, bibida siya sa musical drama series na Born to Shine kung saan ipapasilip ng serye ang buhay ng isang artista, kabilang na ang pag-angat, pananatili, at pagbagsak mula sa itaas.

Panoorin ang panayam kay Zephanie dito: