GMA Logo Zephanie
Photo by: Maka Lovestream
What's on TV

Zephanie, emosyonal sa kanyang mensahe sa finale ng Maka Lovestream

By Aimee Anoc
Published December 13, 2025 4:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Something soft, something long, something shiny: 7 Christmas gift ideas for different categories
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Zephanie


Panoorin ang heartwarming na mensahe ni Zephanie at ng MAKA Barkada sa pagtatapos ng 'Maka Lovestream' dito.

Hindi napigilan ni Zephanie na maging emosyonal nang magbigay ng mensahe sa pagtatapos ng Maka Lovestream.

Ayon kay Zephanie, higit pa sa isang show ang MAKA dahil sa dami na ng kanilang mga pinagdaanan at itinuturing na rin nilang pamilya ang isa't isa.

"It was more than just a show. Kapag kasi sinabi mo na family, masasabi ko na marami na rin kaming pinagdaanan as a show like 'yung this wasn't the first goodbye. Ngayon na naiiyak ako parang napi-feel ko na it's gonna be really sad if it ends," naluluhang sabi ng aktres.

"Some of the people are already saying goodbye. I know na mayroon pa rin, marami pa ring mga tao behind the show ang nagta-try ng very best nila to continue the show for all of us. Hindi lang s'ya para magkatrabaho.

"Of course, 'yung mga boss namin they shared to us how special the show is to them. How they value it, na parang hindi lang siya trabaho pero fashion talaga siya," dagdag niya.

Ngayong Sabado (December 13) nagtatapos ang musical finale ng Maka Lovestream na "Last Christmas" kung saan muling napanood na magkakasama ang MAKA Barkada na sina Zephanie, Olive May, Bryce Eusebio, Shan Vesagas, Sean Lucas, Chanty, Elijah Alejo, May Ann Basa, at Mad Ramos kasama sina Ashley Sarmiento, Marco Masa, John Clifford, Anton Vinzon, at Josh Ford.

Panoorin ang taos-pusong pasasalamat ng MAKA Barkada sa video na ito:

Related content: POLL: Kapuso Love Team of the Year