
Excited at hindi na makapaghintay si Zephanie para sa ikalawang season ng hit youth oriented show ng GMA Public Affairs na MAKA kung saan muli siyang mapapanood bilang Zeph Molina.
Nagkasama-sama na ang cast ng MAKA Season 2 ngayong linggo kung saan nakapag-outfit check na sila ng kanilang bagong school uniform.
Sa Instagram, ipinakita ni Zephanie ang ilang fun clips kasama ang MAKA squad at bagong direktor nito na si Direk Frasco Mortiz.
Sa video, makikita rin na nagkaroon na nang pagpapakilala sa kanilang mga karakter para sa bagong season ng MAKA.
Bukod kay Zephanie, muling makakasama sa MAKA Season 2 sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, Olive May, John Clifford, Chanty, Sean Lucas, at May Ann Basa.
Madadagdagan ang paboritong Gen Z barkada ng mga bagong cast members na sina Elijah Alejo, Bryce Eusebio, Shan Vesagas, at Josh Ford.
Abangan ang MAKA Season 2 malapit na sa GMA!