GMA Logo MAKA LOVESTREAM star Zephanie with Angelu de Leon and Bobby Andrews
What's on TV

Zephanie, kinabahan sa first taping kasama sina Angelu de Leon at Bobby Andrews sa 'MAKA LOVESTREAM'

By Aimee Anoc
Published September 1, 2025 5:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Senator Gatchalian seeks abolition of OMB
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

MAKA LOVESTREAM star Zephanie with Angelu de Leon and Bobby Andrews


Zephanie kina Angelu de Leon at Bobby Andrews: "Nakasama ko na sila nung first taping day and kinakabahan ako... Medyo challenging for me kasi syempre mga beterano na sila."

Na-challenge at kinabahan si Zephanie sa unang araw ng kanyang taping para sa MAKA spinoff at bagong youth-oriented show na MAKA LOVESTREAM kung saan agad niyang nakasama ang '90s icons na sina Angelu de Leon at Bobby Andrews.

Sa interview ng GMANetwork.com, ikinuwento ni Zephanie ang pressure na naramdaman at masayang experience sa first taping day kasama sina Angelu at Bobby.

"Nakasama ko na sila nung first taping day and kinakabahan ako," sabi ni Zephanie. "Si Ms. Angelu, na-encounter ko siya sa Pulang Araw pero wala kaming masyadong conversation. So this time, talagang sila na 'yung magulang ko. Medyo challenging for me kasi syempre mga beterano na sila, 'yung pressure lang.

"But, when I was able to talk to them talagang nakikipagbiruan din sila, parang parents talaga 'yung feeling namin. I think kung nandito si Marco (Masa) 'yun din 'yung mase-share n'ya kasi magkapatid kami.

"Fun lang kahit na maulan nu'ng araw na 'yon. Parang nasa bahay talaga kami, parang magulang talaga. I'm excited for more experiences with them," dagdag ng singer-actress.

Sa MAKA LOVESTREAM, makikilala sina Angelu at Bobby bilang Mama Pinky at Papa Jack, mga magulang ni Faith, na gagampanan ni Zephanie.

Makakasama rin ni Zephanie sa MAKA LOVESTREAM ang paboritong barkada sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, Shan Vesagas, Anton Vinzon, Elijah Alejo, Chanty, Sean Lucas, John Clifford, Olive May, Bryce Eusebio, Bangus Girl, Mad Ramos, at Josh Ford.

Abangan ang MAKA LOVESTREAM simula September 6, 4:45 p.m. sa GMA.

SAMANTALA, MAS KILALANIN SI ZEPHANIE SA GALLERY NA ITO: