GMA Logo Zephanie at Sparkle U
Source: gmaregionaltv/IG
What's on TV

Zephanie, masaya sa kaniyang acting debut sa 'Sparkle U: Frenemies'

By Kristian Eric Javier
Published November 5, 2023 12:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rain, cloudy skies over parts of PH
Alleged DI member wanted for murder, frustrated murder killed in clash
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Zephanie at Sparkle U


Kumusta ang acting debut ni Zephanie sa 'Sparkle U?'

Ibinahagi ni Kapuso singer Zephanie kung gaano siya kasaya sa kaniyang acting debut sa series na Sparkle U: Frenemies. Ayon sa kaniya, ang serye ay tungkol sa bagong henerasyon, at ikinuwneto rin niya ang kaniyang karakter na si Sue.

“Ito pong Sparkle University, talagang kuwento po siya ng generation ngayon na 'yung mga pinagdadaanan namin bilang teenagers sa social media, 'yung mga problems namin, and even 'yung friendship din po,” pagbabahi niya sa GMA Regional TV morning show na Mornings with GMA Regional TV.

Dagdag pa ni Zephanie ay maraming makaka-relate sa kanilang kuwneto, lalo na ang bagong henerasyon.

Ang karakter niyang si Susan Gara o Sue ay ang best friend ni Bekang na ginagampanan ni Shayne Sava.

“Kung nanonood kayo, malalaman n'yo 'yung relationship nila ni Bekang at ng iba pa niyang mga friends at mga kaaway niya sa Sparkle U,” pagbabahagi ng singer.

TINGNAN ANG TEEN QUEEN GEN Z LOOKS NI ZEPHANIE SA GALLERY NA ITO:

Nang tanungin naman siya kung mayroon na siyang naging “frenemy,” nilinaw ni Zephanie na wala in real life, pero dapat abangan kung magkakaroon si Sue sa serye.

“I think hindi ko po masasabi na walang naging frenemy si Sue, pero ayoko pa kayong i-spoil, guys, kaya abangan ninyo kung magkakaroon ba ng frenemies si Sue sa story,” sabi niya.

Mula sa pagiging singer, aminado rin si Zephanie na malaki ang naging adjustment niya noong sumabak sa pag-arte.

“Never kong na-imagine na mag-a-act po ako, pero nung nandun na'ko sa set, na-experience ko na, na-realize ko na parang medyo magkalapit lang din po pala sila ng singing,” sabi niya.

Dagdag pa ni Zephanie, “Nandun 'yung emosyon, nandun 'yung parang nagpe-perform ka rin pero wala lang tono 'yung sinasabi mo, and na-enjoy ko po talaga siya.”

Ibinahagi rin ni Zephanie kung papaano niya pagbubutihin pa ang kaniyang acting skills para mas mapabuti niya ang kaniyang trabaho kung sakaling mabigyan pa siya ng acting projects.

Panoorin ang buong interview ni Zephanie dito: