
Masayang-masaya ang singer-actress na si Zephanie na magkakaroong ng ikalawang season ang youth-oriented show na MAKA, kung saan gumaganap siya bilang si Zeph, isang natural leader ngunit mababa ang self-esteem.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Zephanie sa pictorial ng upcoming GMA Prime series na Mga Batang Riles, inamin niyang nagbabasa siya ng mga komento ng mga nanonood ng MAKA na humihiling na i-extend pa ang kanilang programa.
"Sobrang saya ko kasi, una, tinanggap namin 'yung trabaho na 'yun na wala kaming ini-expect na... Siyempre, you expect na magiging successful siya, we prayed for it, pero talagang overwhelming 'yung support ng tao," saad ni Zephanie.
"Every time nagbabasa ako ng comments, nakikita ko na bitin daw, and gusto pa nila ng season 2, pahabain pa. Nakaka-touch lang na malaman 'yung kasi 'yung pinaghihirapan namin, nagugustuhan ng tao."
Dagdag ni Zephanie, sinasalamin ng MAKA ang istorya at kalagayan na pinagdadaanan ng maraming tao.
"'Yung story din na binabahagi namin, para sa lahat ng mga ganun din 'yung nararanasan sa buhay, na we see you, and we feel you, and we're here for you. 'Yun 'yung gusto namin maparamdam.
"We're happy na gusto pa nila na more of the story that we're telling."
Magsisimula ang pilot episode ng Season 2 ng MAKA sa January 25. Exciting at kapana-panabik ang magiging takbo ng istorya sa ikalawang season ng programa dahil dito malalaman kung magsasara na ang MAKA High.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG MAKA SA GALLERY NA ITO: