
Matapos ang huling proyekto nila sa Sparkle U noong 2024, muling magtatambal sina Zephanie at Michael Sager sa upcoming musical series na Born To Shine.
Kaya naman, sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, ipinahayag ng dalawang aktor ang kanilang excitement sa kanilang muling tambalan. Pag-amin pa ng aktres, nagulat pa siya na muli silang magsasama ng dating ka-loveteam pagkatapos ng halos dalawang taon na hindi sila nagkatrabaho.
“Parang na-excite ako to see how much we've grown on our individual paths and ano naman 'yung ma-impart namin sa isa't isa once na we start working together again,” pagbabahagi ni Zephanie.
Hindi rin umano inakala ni Michael na magbabalik-tambalan pa sila ni Zephanie. Ngunit pag-amin ng aktor, masaya siyang makasama uli ang dating co-star sa isang panibagong serye.
“But at the same time, masaya kasi nu'ng time na nagwo-work kami for Sparkle U, we actually hoped na magka-serye kami, and it happened. So we're so thankful for the blessing,” sabi ni Michael.
Pagpapatuloy pa ng aktor, “I'm just so happy that I get to be a part of it.”
ALAMIN ANG KWENTO NG UNANG PAGKIKITA NINA ZEPHANIE AT MICHAEL SA GALLERY NA ITO:
Sa Report ng 24 Oras noong Biyernes, March 13, inamin din ni Zephanie na naka-relate siya ng husto sa karakter niyang si Jeni, at sa mga orihinal na kanta na gamit nila sa serye.
Sabi ni Zephanie kay Aubrey Carampel, “I can relate as Zephanie du'n sa mga songs po na hindi ko pa ma-share. But may isang song dito sa show na parang 'Kanta ko rin pala 'to in real life,'”
Sa muling pagsasama nilang ito, sinabi ni Zephanie na masaya siyang makatrabaho muli si Michael at madiskubre kung ano na ang nagbago sa kanilang dalawa matapos ang mahabang panahon na hindi sila nagkatrabaho.
“And now na nag-grow kami, it's so nice na finally, magka-work ulit kami. Parang discovering po ulit 'yung paano 'yung dynamics namin for the show,” sabi ni Zephanie.
Panoorin ang panayam kina Zephanie at Michael dito: