
Para sa mga bida ng pinakabagong musical drama series na Born to Shine na sina Zephanie at Michael Sager, "good pressure" na makasama ang ilan sa mga OG at iconic singers at actresses ng bansa.
Sa pagbisita nila sa Unang Hirit nitong Lunes, March 23, sinabi ni Zephanie kung gaano sila ka-blessed noong malaman na makakasama nila sa serye sina Manilyn Reynes, Smokey Manaloto, Roselle Nava, Tina Paner, Vina Morales, at Tessie Tomas.
"Na-feel ko po na talagang sobrang blessed kami na talagang pinaunlakan nila kaming mga new artists na masamahan po sa show na 'to. Honestly, pagdating po sa set, it just felt like a family already, sobrang warm po nila, sobrang bait po nila," sabi ni Zephanie.
Dahil magkakaroon ng pagkakataon si Zephanie na maging parte ng isang P-Pop group, inamin ng singer-actress na ito na ito ang isa sa mga pinaka-challenging sa mga ginawa niya. Ngunit kahit ganu'n, handa pa rin siyang maging parte ng isang grupo.
"Kasi it's fun to be with other artists on stage to perform and to just be one. Pero mahirap siya talaga," sabi ng aktres.
KILALANIN ANG CAST NG 'BORN TO SHINE' SA GALLERY NA ITO:
Samantala, binalikan din ang pag-amin ng dalawa sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan na crush pala nila ang isa't isa. Pag-amin ni Zephanie, ang nakapuaw ng atensyon niya kay Michael ay ang passion at determination ng aktor.
"I always say this, 'yung passion and determination talaga ni Michael in whatever he does, and 'yung sa mga goals niya. He makes sure na maaabot niya po 'yun or magagawa niya," sabi ni Zephanie.
Boses naman ni Zephanie ang nakakuha ng atensyon ni Michael.
"Voice in the way she speaks and the way she talks to people, you could see that she has a kind heart, and I feel like that goes a long way. Talagang napakaimportante niyan sa isang tao and most especially, very attractive for a woman," sabi ni Michael.
Panoorin ang panayam kina Zephanie at Michael dito: