
Masaya sina Kapuso stars Zephanie at Michael Sager sa reunion nila sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Born to Shine. Matatandaang naging kapansin-pansin ang successful chemistry ng dalawang aktor sa seryeng Luv Is: Caught in His Arms.
Sa report ni Lyn Ching sa "Unang Balita" para sa Unang Hirit, smooth ang light umano ang mood sa taping ng kanilang serye.
Sabi pa ng dalawang aktor, dapat abangan ang mga karakter nilang sina Jeni Sicat at Nate Lim, at maging ang kwento ng serye.
Pagbabahagi ni Michael, may ilang pagkakapareho siya sa kaniyang karakter niyang si Nate, ngunit may ilang pagkakaiba rin.
"Si Nate Lim, he's more reserved, he has more time to himself, and he really thinks before he speaks," paglalarawan niya.
Para naman kay Zephanie, magiging inspiring ang kwento ng Born to Shine at alam umano ng singer-actress na marami ang maaantig sa kanilang kwento.
"I know po na it would touch many lives ng mga dreamers, ng mga aspiring artists, and hindi lang po 'yun, lahat ng may pangarap na hindi privileged pero pursigido," ani Zephanie.
KILALANIN ANG CAST NG 'BORN TO SHINE' SA GALLERY NA ITO:
Iikot ang kwento ng Born to Shine sa pagtupad ng isang pangarap, at ang mga pagsubok na kakaharapin para makamit ito.
Makakasama nina Zephanie at Michael sa serye ang ilang premyadong mga aktor tulad nina Vina Morales, Manilyn Reynes, Smokey Manaloto, Roselle Nava, Tina Paner, at Tessie Tomas.
Makakasama rin nila sina Olive May, Mitzi Josh, Naya Ambi, Gaea Mishca, at Miggs Cuaderno.LINK:
Panoorin ang panayam kina Zephanie at Michael dito: