GMA Logo Zephanie
What's on TV

Zephanie, nagseselos sa closeness nina Michael Sager at Cassy Legaspi?

By Jimboy Napoles
Published January 16, 2024 7:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Protesters rally in Denmark and Greenland against Trump annexation threat
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Zephanie


Nagbigay ng reaksyon si Zephanie sa closeness nina Michael Sager at Cassy Legaspi.

Hindi nakaligtas ang singer-actress na si Zephanie sa tanong ng batikang TV host na si Boy Abunda tungkol sa closeness ng kanyang longtime friend at ka-love team na si Michael Sager at ng actress-host na si Cassy Legaspi.

Matatandaan na matagal nang nali-link sa isa't isa sina Zephanie at Michael dahil sa kanilang solid friendship. Sa ngayon ay magkatambal sila sa ikatlong kuwento ng Sparkle U series na Sparkle U: Soundtrip kung saan kasama nila sina Althea Ablan at Sparkle newbie na si Matthew Uy.

Samantala, magkasama din ngayon sa noontime show na Tahanang Pinakamasaya sina Michael at Cassy. Magka-partner pa ang dalawa sa special edition ng “Dancing Duo Double Double” na isa segment ng programa.

Dahil dito, madalas na ring makita online ang dancing videos nina Michael at Cassy.

Kaugnay nito, tinanong ni Boy si Zephanie nang mag-guest ito sa Fast Talk with Boy Abunda tungkol dito.

“I want to ask you very gently, kahit konti, may selos?” ani Boy kay Zephanie.

Sagot naman ng singer-actress, “Tito Boy, actually siguro wala naman. Kasi kapag naman nakikita ko sila I feel like just…katulad po ng relationship namin ni Michael na 'yung genuiness ng friendship nila or whatever the relationship they have I can see it po.”

Paglilinaw ni Zephanie, “Siguro, I just really want to see Michael happy, and I'm happy to see him happy with Cassy.”

Pero may kasunod na tanong pa si Boy. Aniya, “But would you be happier if you were alone in his life?”

Saglit na napahinto si Zephanie, “Ang hirap [laughs].”

Paliwanag niya, “Siguro Tito Boy ang masasabi ko lang masaya ako kapag masaya siya.”

Inamin din ni Zephanie na parang naging makatotohanan ang eksena nila ni Michael sa Sparkle U: Soundtrip kung saan nag-propose sa kanyang karakter ang karakter naman ni Michael upang kanyang maging girlfriend.

Aniya, “Ako po Tito Boy, I felt na parang it was real. Siguro po kasi nandoon 'yung genuine relationship namin off-cam na we're friends. Siguro we've really dreamt of this din po na magkaroon kami ng work na parang the story is about us.”

Kinilig naman si Boy sa sinabi ni Zephanie.

“Ang sarap panoorin kasi parang hindi kayo umaarte at saka bagay kayo ni Michael,” anang TV host.