
Si Zephanie ang tinig sa likod ng "Kung Ang Puso," ang theme song ng pinakabagong collaboration series ng GMA Network at Regal Entertainment na Lovers & Liars.
Ang "Kung Ang Puso" ay isinulat ni Gabriel Tagadtad. Una itong napakinggan sa ikalimang episode ng Lovers & Liars na napanood noong November 27.
Nakakuha ng papuri mula sa netizens ang tagos sa pusong pagkakaawit na ito ni Zephanie sa "Kung Ang Puso." Ilan dito ay "Princess of teleserye theme song," "Galing mo talaga Zephanie," "Grabe improvement ni Zeph."
Ang Lovers & Liars ay pinagbibidahan nina Optimum Star Claudine Barretto, Shaira Diaz, Yasser Marta, Rob Gomez, Kimson Tan, Michelle Vito, Sarah Edwards, Polo Ravales, Christian Vazquez, at Lianne Valentin.
Patuloy na subaybayan ang Lovers & Liars, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
MAS KILALANIN ANG CAST NG LOVERS & LIARS SA GALLERY NA ITO: