
Buhay pa rin ang alaala at pagmamahal ni Zeus Collins sa kanyang yumaong ina sa isang touching tribute.
Sa Instagram, ibinahagi ng Stars on the Floor dancer ang isang video kasama ang ina noong siya ay isang PBB housemate pa lang. Ikinuwento rin niya ang masayang alaala kasama ang pinakamamahal niyang ina, lalo na't ito ang nagsilbing una niyang dance partner.
“Hi Ma, alam kong proud ka sakin pati si Papa,” sabi ni Zeus.
Ngayong siya ay isang mahusay na mananayaw, inalala ni Zeus ang talentong ipinamana sa kanya ng kanyang ina.
“Ikaw ang nagturo sakin sumayaw, at hanggang ngayon dala dala ko pa din,” pahayag niya.
Dagdag pa niya, “Masakit na wala na kayo, pero kailangan ko magpatuloy sa buhay. Dadalhin ko lahat ng tinuro nyo sakin lalo na kung paano mag mahal.”
Kahit marami na siyang nakasayaw bilang dancer, inamin niya na babalik-balikan pa rin niya ang moments nila ng kanyang ina habang sumasayaw.
“Ikaw ang una kong dance partner, at kahit sa huling gabing magkasama tayo, pinakita mo pa rin na ikaw ang best partner ko,” sabi ng dancer.
“Mamimiss kita nang sobra, Ma at kahit ano pa ang sabihin ng iba, alam ng Panginoon kung gaano kita kamahal,” aniya. “I love you so much. See you soon.”
Nakiramay naman kay Zeus ang iba pang Stars on the Floor dancers tulad nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi.
“Akap ng mahigit, brother Zeus! Love you. Sobrang mahal na mahal ka at proud na proud sayo ang Mama & Papa mo in Heaven,” sabi ni Rodjun.
“Love you, bro!!” komento ni Dasuri.
Samantala, tingnan ang iba pang celebrities na inalala ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay: