
Simula world premiere hanggang sa nalalapit na finale ng Stars on the Floor, punong-puno ng inspirasyon si Zeus Collins sa kaniyang passion sa pagsasayaw.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ng digital dance star ang kaniyang excitement para sa ultimate dance showdown.
“Malapit na kami magpahinga,” biro niya. “Hindi, na-excite kami kasi kumbaga hindi namin naiisip na 'uy nasa dulo na pala tayo.'”
Mula sa mga araw ng matinding rehearsal, ramdam ni Zeus na malapit nang magbunga ang lahat ng kanilang pinaghirapan.
“Kasi noong day one, parang iniinda namin 'yung hirap, 'yung rehearsal, pero ngayon, nasa dulo na kami, so nae-excite na kami matapos,” dagdag pa ni Zeus.
Nagbigay din ng mensahe si Zeus sa iba pang dance star duos na makakalaban nila ng kaniyang ka-duo na si Faith Da Silva hanggang dulo.
“Ang mensahe namin sa kanila, syempre ibigay nila 'yung best nila kasi ganoon din kami. Lagi ko naman sinasabi kahit kila brother Rodjun [Cruz] na galingan natin kasi finale na ito e, ibuhos na natin lahat ng lakas natin,” aniya.
Kilala ang duo nina Zeus at Faith bilang Power Twin Towers.
Tutukan ang mas nag-iinit pang performances nina Zeus at Faith sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Abangan naman ang ultimate dance showdown ngayong October!
Samantala, tingnan dito ang streetwear style ni Zeus Collins: