
Isang sorpresa ang inihanda ng Kapuso Primetime King at Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa kaarawan ng kanilang anak na si Zia Dantes kahapon, November 23.
Sa Instagram, ibinahagi ni Marian na hindi lang isa, kung hindi pitong birthday cakes ang natanggap ni Zia mula sa kaniyang celebrity parents.
"And of course, it's another milestone for Ate Z, dapat may Conti's. We surprised Ate Z with a lovely setup for her Conti's favorite cakes. 7 cakes for her 7th birthday!" aniya sa kaniyang caption.
Sa ibang post, nag-alay ng short but sweet birthday message ang Kapuso actress para sa kaniyang panganay.
"Happy Birthday Ate Z! Love you soooooooo much... [heart reaction] #MariaLetizia" sulat niya.
Kitang-kita naman sa post ng Family Feud host na si Dingdong kung gaano kaganda si Zia.
Sa larawan, makikita ang isang candid shot ng seven-year-old habang ine-enjoy ang paliligo sa pool.
"Seven" saad niya.
Samantala, ilang followers at supporters din ng Kapuso couple ang nagpadala ng kanilang birthday greetings para kay Zia kabilang na rito ang celebrities na sina Anne Curtis, Arthur Solinap, Iza Calzado, at Melissa Gohing.
TINGNAN ANG MGA LARAWAN NI ZIA DANTES NA NAGPAPATUNAY NA ISA SIYANG ARTISTA IN THE MAKING SA GALLERY NA ITO: