GMA Logo Marian Rivera and Zia Dantes
What's Hot

Zia Dantes, hilig ang panonood ng 'Marimar' na pinagbibidahan ng inang si Marian Rivera

By Aaron Brennt Eusebio
Published August 26, 2021 10:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Boy, 12, killed in firecracker blast in Tondo, Manila on Sunday night
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera and Zia Dantes


"Nagugulat siya nagsasalita daw 'yung aso," kuwento nina Marian at Dingdong nang i-kwento nilang pinapapanood nila kay Zia ang 'Marimar' na pinagbidahan ni Marian noong 2007.

Ngayong madalas sa bahay sina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, mas natututukan nila ang kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy.

Kwento ni Dingdong sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras, ipinapapanood nila kay Zia ang Philippine adaptation ng Marimar na pinagbidahan nilang dalawa noong 2007.

"Pinapanood namin online 'yung mga shows kagaya ng Marimar, pinapapanood namin kay Zia," kuwento ni Dingdong.

"So si Zia, naku-curious siya, manghang-mangha siya lalo na sumasayaw si Marian doon sa dagat na may aso."

Dagdag ni Marian, nagpapaturo tuloy si Zia sa kanya kung paano magsayaw a la Marimar.

Aniya, "Kaya ang ending, 'Mama, can you teach me your steps there?'"

"So wala akong choice kung hindi ituro sa kanya 'yung mga moves ko sa Marimar."

Katulad ng maraming bata, nagugulat din daw si Zia na nagsasalita ang aso ni Marimar na si Fulgoso, na binosesan ni Michael V.

Natutuwang kuwento ni Dingdong, "Tapos nagugulat siya, nagsasalita raw 'yung aso."

"Sabi ko, 'Si Michael V. 'yun.'"

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes 🇵🇭 (@marianrivera)

Bukod sa Marimar, narito pa ang ilang hit GMA remakes na nagpasaya sa ating mga araw: