GMA Logo Marian Rivera and Zia Dantes
Celebrity Life

Zia Dantes, hindi lumalaking maluho ayon sa mommy nitong si Marian Rivera

By Aedrianne Acar
Published November 28, 2023 3:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Presyo ng siling labuyo, umakyat na sa P800/kilo; kamatis, P200/kilo | One North Central Luzon
Marcos Jr. answers netizens’ funny Christmas questions
British designer Anya Hindmarch's Universal Bag launches in the Philippines

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera and Zia Dantes


Marian Rivera sa anak na si Zia: “Malinaw sa kaniya na ang bawat pagkilos at bawat pagbili ay pinagtatrabahuhan ang perang kinikita." Read more:

Mababakas sa mukha ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na sobra itong proud sa panganay nilang anak ni Dingdong Dantes na si Zia na last week ay nag-diwang ng kaniyang 8th birthday.

Kuwento ng Tadhana host na nahihilig ang kaniyang baby girl sa mga arts and crafts project.

“Naku! 'Yung anak ko mahilig 'yun sa mga notebooks ngayon. At saka, 'yung paggawa ng mga bracelet.” sabi ni Marian.

“Basta ang hilig niya sa crafts talaga ngayon. So, 'yung mga gunting-gunting, alam mo 'yun. Mga simpleng ganun 'yung mga gusto niya.”

STUNNING CAREER OF MARIAN RIVERA:

Ibinahagi rin ng award-winning TV-movie actress kung paano nila pinapalaki si Zia na hind imaging maluho.

Kuwento niya, “Malinaw sa kaniya na ang bawat pagkilos at bawat pagbili ay pinagtatrabahuhan ang perang kinikita. That's it!”

Na-interview ng entertainment press si Marian sa isang event sa ineendorso niyang flavor seasoning na AJI-GINISA sa Blue Leaf, Mckinley sa Taguig noong Sabado (November 25).

Sa isang bahagi ng panayam tinanong siya ng GMA Integrated News showbiz reporter na si Cata Tibayan kung hindi ba nakakahiligin ni Zia na mag-vlog tulad ng ibang celebrity kids.

Paliwanag ng aktres na busy din sa iba't-ibang activity si Zia at mas-focus ito sa kaniyang pag-aaral.

Lahad niya, “Parang hindi pa naman siya ganun. Kumbaga mas focus siya sa school e. Sa mga classmates niya, ang dami rin niya activity sa school. Actually, kaka-perform lang niya sa theater, kumanta siya last week, so may mga ganun siya sa school. Very busy din siya [laughs].”

Bukod kay Zia, may isa pang anak si Marian na si Sixto na isinilang noong April 2019

CUTEST MOMENTS OF MARIAN AND ZIA ON INSTAGRAM: