GMA Logo marian rivera and zia dantes
What's Hot

Zia Dantes, humihingi na ng isa pang kapatid kay Marian Rivera

By Dianara Alegre
Published December 10, 2020 4:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bystander who tackled armed man at Bondi Beach shooting hailed as hero
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

marian rivera and zia dantes


Ikinagulat ni Marian Rivera ang isa sa mga naging wish ni Zia Dantes nang ipagdiwang nito kamakailan ay kanyang fifth birthday.

Natatawang ibinahagi ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang isa sa mga birthday wish ng panganay niyang si Letizia “Zia” Dantes na ikinagulat niya.

Nang makapanayam ng 24 Oras nitong Martes, December 8, ibinahagi ni Marian na humihingi na raw si Zia ng isa pang kapatid.

Mahigit isang taon pa lamang ang nakararaan nang isilang niya ang bunsong anak na si Jose Sixto “Ziggy” Dantes IV.

Zia Dantes Marian Rivera at Ziggy Dantes

Source: marianrivera (IG)

“Gusto niya raw magkaroon ng kapatid. O, 'di ba, ng kapatid pa. Diyos ko,” natatawang sabi ni Marian.

Noong November 23 ay ipinagdiwang ni Zia ang kanyang ika-limang kaarawan at sinorpresa siya ng kanyang mga magulang ng compilation ng video greetings mula sa kanyang mga idolo kabilang sina singer-actress Sarah Geronimo, vloggers na sina Ranz, Niana, at Natalia, at Kaycee at Rachel.

Kita sa ini-upload na pictures sa social media ng daddy niyang si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes kung gaano siya kinilig dahil sa natanggap na greetings mula sa mga ito.

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Si Marian daw mismo ang naghanda ng munti ngunit memorableng sorpresa para kay Zia.

Bukod dito, nagkaroon din sila ng intimate and fun-filled celebration sa bahay.

Silipin ang naging celebration ng Dantes family sa fifth birthday ni Zia sa gallery na ito:

Samantala, kamakailan ay naglunsad ni Marian ng home décor line ng online store niyang Flora Vida by Marian at hindi na lamang mga bulaklak ang ibinebenta.

Hands-on si Marian sa negosyo at kabilang sa kanyang home collection ang furniture at gamit sa bahay na inspired daw ng kanyang travels abroad.

Imported daw mula sa Europe ang fabric na gamit sa mga bagong koleksyon niya pero locally made ang mga produkto niya.

Bukod sa management ng negosyo at pag-aalaga sa pamilya ay pinaghahandaan na rin ni aktres ang unang sabak niya sa teatro, virtually, sa upcoming adaptation of Oedipus Rex ng Tanghalang Ateneo.

“Sabi ko nga habang nagra-run through kami kinakabahan ako, hindi ko alam kung kaya kong gawin.

"But sabi ko ita-try ko 'yung best ko na gawin lahat para, atleast, hindi ako mapahiya na ako 'yung pinili n'yo sa character na 'to,” aniya.

Ang Oedipus Rex ay ididirihe ng aktor, writer, at Ateneo teacher na si Ron Capinding.