
Nakatanggap na ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19 ang anim na taong gulang na anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia.
Ibinahagi ni Marian ang balita sa isang Facebook post Miyerkules, Pebrero 9, kasama ang litrato ni Zia na nakakandong sa kaniyang ama habang ipinapakita sa kamera ang kaniyang bakunadong braso.
“Ate Zia received her first dose of [the] COVID-19 vaccine. Good job, Ate Z,” ani Marian.
Noong Lunes, unang inilunsad sa Pilipinas ang pagbabakuna sa mga batang may edad lima hanggang 11 taong gulang.
Bukod kay Zia, nabakunahan na rin kontra COVID-19 ang ilang mga kilalang bata sa industriya tulad nina Lucho at Luna Agoncillo, Lucia Intal, at Raphel Landicho.