Celebrity Life

Zia Dantes, Scarlet Snow Belo, Tali Sotto, ano ang minana sa celebrity parents ayon kay Lolit Solis?

By Cherry Sun
Published April 4, 2018 10:40 AM PHT
Updated April 4, 2018 11:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Blackout hits most of Cuba amid US oil chokehold
Transient vendors seek space at Iloilo market
F1 star Charles Leclerc ties the knot with Alexandra Saint Mleux

Article Inside Page


Showbiz News



Ano nga ba ang nakuha ng mga celebrity babies na sina Zia, Scarlet at Tali from their famous parents? Alamin!

Bata pa lang sina Zia Dantes, Scarlet Snow Belo at Tali Sotto pero pansin na raw ni Lolit Solis ang mga katangiang namana nila sa kanilang celebrity parents.

Anang batikang talent manager at talk show host, patunay ang tatlong celebrity kids na may namamana ang mga bata sa kanilang magulang.

Sambit ni Lolit, “Tingnan mo si Scarlet, para siyang very guarded ang kilos kahit sa gitna ng kapwa niya bata, parang si Dra. Vicki Belo na hindi agad nakikipag-tsika tsika 'pag bago niyang kilala. Si Zia naman, bata pa lang maarte na, very playful agad, parang nanay niya na si Marian Rivera.”

Kuwento rin niya tungkol kay Tali, “Ang ingay, gusto talaga ako talbugan, magsalita ka, sagot siya agad, at malakas iyon boses ha. Namana niya pagiging machika ni Pauleen, kaya no wonder, sobra siyang love na love ni Bossing Vic.”

Sa parehong Instagram post, ipinahayag din ni Lolit ang kanyang paghanga sa mga celebrity dads na very hands-on sa kanilang baby girls. Excited din daw siyang makita ang paglaki at pagdadalaga nina Zia, Scarlet at Tali.

 

Alam mo Salve, talagang ang bilis ng panahon ha. Sanggol pa lang nang una kong makita si Zia at Scarlet ngayon nag egg hunting na si Scarlet at hayun pasyal nang pasyal sa Europe si Zia. Tutoo din iyon sinasabi na ang mga bata may namamana sa parents nila. Tingnan mo si Scarlet , para siyang very guarded ang kilos kahit sa gitna ng kapwa niya bata, parang si Dra. Vicki Belo na hindi agad nakikipag-tsika tsika pag bago niyang kilala. Si Zia naman , bata pa lang maarte na , very playful agad, parang nanay niya na si Marian Rivera . Hay naku , naalala ko si Tali, anak nila bossing Vic Sotto at Pauleen Luna , bata pa lang machica na at ang lakas ng boses ha , gusto akong talbugan. At hanggang ngayon hindi ko maisip kung bakit ganun siya kabigat. Si Scarlet at Zia ayaw kong kargahin noon dahil mabigat kamay ko baka mapilay eh mukhang fragile na fragile sila dahil ang liit nila at ang gaan, si Tali takot na takot ako na mabitawan dahil ang bigat parang kalahating kaban bigas siya talaga. kaya sure ako pagod na pagod si bossing Vic pag kinakarga at pinatutulog si Tali dahil sa tutoo lang , parang mas mabigat pa si Tali kay bossing Vic ha ! At ang ingay , gusto talaga ako talbugan , magsalita ka, sagot siya agad , at malakas iyon boses ha. Namana niya pagiging ma chica ni Pauleen , kaya no wonder, sobra siyang love na love ni bossing Vic. Isa pang napansin ko Salve, iyon mga star father ngayon very hands on sa mga baby nila . Nakita mo kung paano inalagaan nila doc Hayden at Dingdong sa Paris ‘di bah? At si Vic Sotto, hindi ko ma imagine isinasayaw si Tali. Iba na talaga breed of parenting ngayon , very proud na mga father to do their duties, kaya medyo may katulong na mga mother nila sa mga babies. Naku dapat makita ko paglaki ng mga girls na ito , para makita ko sino maarte , sino supladita , hah hah at sino magiging boyfriend bongga , pag inabot ko iyon bonus talaga hah hah. #lolitkulit #instatalk @marianrivera @victoria_belo @pauleenlunasotto

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on