What's Hot

Zia Dantes, Scarlet Snow Belo, Tali Sotto, future stars daw ayon kay Lolit Solis

By Cherry Sun
Published August 7, 2018 11:20 AM PHT
Updated August 7, 2018 12:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala’s 2026 results before Indian Wells and Miami Open
Transient vendors seek space at Iloilo market
F1 star Charles Leclerc ties the knot with Alexandra Saint Mleux

Article Inside Page


Showbiz News



Naniniwala si Lolit Solis na sina Zia Dantes, Scarlet Snow Belo at Tali Sotto ay magiging future stars tulad ng kanilang celebrity parents.

Naniniwala si Lolit Solis na sina Zia Dantes, Scarlet Snow Belo at Tali Sotto ay magiging future stars tulad ng kanilang celebrity parents.

Marami ang celebrity babies ngayon, ngunit ayon kay Lolit ay hindi raw maitatanggi na nasa front line ngayon ang mga anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, Vicki Belo at Hayden Kho, at Pauleen Luna at Vic Sotto.

Bahagi ng batikang talent manager, “Sa dami ng mga celebrity child ngayon Salve parang ang hirap hulaan kong sino sa kanila mga magiging future superstar. Pero siyempre una na sa listahan sila Scarlet at Zia. Mga bata pa lang, grabe na fans nila. At mga bata pa lang bongga na silang mag-aura ha.”

“Siyempre i-consider mo rin na runner up si Talitha dahil imposible naman na hindi siya magmana sa tatay niyang si Vic Sotto na ngayon pa lang panay na ang turo sa kanyang kumanta,” dugtong din niya.

Sulat din ni Lolit, nais niyang maabutan ang pagdadalaga ng tatlo.

Patuloy niya, “Will Scarlet be the top derma of the country like her mom Vicki Belo? Will Zia be the next primetime superstar like her mommy Marian? Will Talitha be a top host of Eat Bulaga 65th anniv? Bongga, watch them grow.”

Sa dami ng mga celebrity child ngayon Salve parang ang hirap hulaan kong sino sa kanila mga magiging future superstar. Pero siyempre una na sa listahan sila Scarlet at Zia. Mga bata pa lang, grabe na fans nila. At mga bata pa lang bongga na silang mag-aura ha. Siyempre i-consider mo rin na runner up si Talitha dahil imposible naman na hindi siya magmana sa tatay niyang si Vic Sotto na ngayon pa lang panay na ang turo sa kanyang kumanta. May iba pang babies pero kung titingnan mo nasa frontline ang tatlong babae na ito sila Scarlet, Talitha at Zia. Naku sana maabutan ko kahit iyon teen years nila dahil parang gusto kong makita ang tatlong ito kung paano lalaki, will Scarlet be the top derma of the country like her mom Vicki Belo? Will Zia be the next primetime superstar like her mommy Marian? Will Talitha be a top host of Eat Bulaga 65th anniv? Bongga, watch them grow. #instatalk #lolitkulit❤️ #71naako

Isang post na ibinahagi ni LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) noong