
Very proud na ibinahagi ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa social media ang pagkapanalo ng panganay na anak nila ni Dingdong Dantes na si Zia Dantes bilang Most Oustanding Swimmer sa13th Speedo Jumpstart Novice Swim Carnival ngayong Sabado, August 19.
Sa nasabing post ni Marian, ibinahagi ng celebrity mom ang naging performance ni Zia sa nasabing swimming competition.
“Speechless and proud of you, Zia! Being awarded the most outstanding swimmer at the Speedo Jumpstart Novice Swim Carnival is a testament to your hard work and dedication,” caption ni Marian sa kanyang post.
Dagdag pa niya, “Watching you grow from the beginning till now fills Mama's heart with pride. Keep giving your best, guided by the grace of our Lord Jesus Christ.”
Bukod sa titulong Most Outsanding Swimmer, nakakuha si Zia ng tatlong medalya dahil sa kanyang pagiging first place sa mga kategoryang 25 meter backstroke, 25 meter butterfly, at 25 meter freestyle swimming.
Samantala, ilang oras bago ang nasabing swimming competition, nag-post din sa Instagram si Dingdong ng mga larawan ni Zia na siya mismo ang kumuha habang nagte-training pa lamang ito ng swimming. Kalakip ng mga larawan ay ang mensahe ng suporta ni Dingdong para sa anak.
Congratulations, Zia!