GMA Logo Zia Quizon in Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Zia Quizon, kailan na-realize na sikat ang mga magulang na sina Dolphy at Zsa Zsa Padilla?

By Aedrianne Acar
Published December 8, 2025 5:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

US ICE to deport Filipino detainee to PH —DFA
Check out the looks Cyrille Payumo has served at Miss Charm so far
#WilmaPH floods areas of Balamban, Asturias towns in Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Zia Quizon in Fast Talk with Boy Abunda


Zia Quizon while growing up: “Akala ko lang normal lang na dinudumog kami sa mall.”

Isang showbiz royalty na maituturing si Zia Quizon na anak ng late Comedy King Dolphy at Divine diva na si Zsa Zsa Padilla.

Sa guesting niya ngayong Lunes sa Fast Talk with Boy Abunda, binalikan niya ang moment kung kailan niya napagtanto na anak siya ng kilalang celebrities sa bansa.

Pag-amin niya kay Boy, akala niya noon ay normal ang mga pagkakataon na dinudumog ng tao ang kaniyang mga magulang.

“I guess parang always naman din. It's more of parang hindi ko alam 'yung ibig sabihin ng sikat.”

“Parang akala ko lang normal lang na dinudumog kami sa mall. More of like, bakit ganun?

“It's more of like eventually kasi nasa TV sila 'di ba ganun or nanonood ako ng TV, tapos nandun sila ganun.”

Nang tanungin ng King of Talk si Zia kung ano'ng nararamdaman niya sa tuwing tinatawag siyang "showbiz royalty", sagot niya, “Parang nakaka-humble... sino naman ako? Royalty? Wala naman tayong ganun, so, I just want to earn the right, parang ganun. Or parang prove myself. Galingan ganiyan 'yun ang choice ko, galingan ko.”

Pumanaw si Dolphy sa edad na 83 noong July 2012 dahil sa chronic obstructive pulmonary disease (COPD). Bukod sa biological daughter nina Dolphy at Zsa Zsa, may isa pa silang anak na si Nicole “Coco” Quizon.

RELATED CONTENT: ACCOMPLISHED CHILDREN OF ZSA ZSA PADILLA