
Ibinahagi ni Showbiz Royalty Zia Quizon kung papaano sila nagkakilala ng Serbian na asawa na si Aleksa Rahul sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, December 8.
Sa panayam sa kaniya ni King of Talk na si Boy Abunda, ibinahagi ni Zia na nagkakilala sila ni Aleksa online, ngunit hindi na nagbigay pa ng detalye tungkol dito.
“I'd rather not specify because maybe it's still not safe. We just met naturally, like through mutual interests, kasi pag-organically may nagkakilala rin online, it happens more nowadays, but it's also something that can definitely be unsafe,” sabi ni Zia.
Dagdag pa ni Zia, wala naman siya sa mga dating apps kaya hindi rin niya alam ang protocol sa pakikipagkita sa mga nakikilala online.
“You have to be very cautious, and I was very sobrang praning din ako,” sabi ni Zia.
Ayon kay Zia, ilaw buwan din silang nag-usap ni Aleksa bago siya nagdesisyon na pumunta ng Serbia para makipagkita dito at mapatunayan na totoong tao ang kausap niya. Ngunit si Aleksa, hindi umano naniwala.
“A few months of talking, we really got along, we hit it off in a way na parang 'Okay, pupunta ako diyan.' Hindi naniwala. Hindi siya naniwala. We met and he was real and we hit it off,” sabi ni Zia.
TINGNAN ANG CELEBRITIES NA NA-INLOVE DIN SA FOREIGNERS SA GALLERY NA ITO:
Ipinaliwanag din niya kung para saan ang “proof of husband” post niya noong 2022. Kuwento ng batikang singer, may netizens kasi na hindi naniwalang kasal na siya, o kaya naman ay sinasabing babae ang pinakasalan niya dahil sa pangalan ni Aleksa.
Paliwanag ni Zia, karamihan kasi ng guests nila sa kasal ay pamilya at mga kaibigan ng kaniyang asawa. At dahil parte ng kultura nila ang pagiging pribado, pinili niyang huwag na mag-post ng kanilang kasal.
“They tend to be like very private, like 'yung culture nila is a lot more private than maybe Pinoys. We're the most online, like, they're kind of like the opposite, they can be very private people, so I wanted to be sensitive din to their sensibilities in that regard,” sabi ni Zia.
Mas pinili din umano ni Zia maging present sa kanilang kasal kaysa maging abala sa pagkuha ng photos at videos.
Panoorin ang panayam kay Zia dito: