GMA Logo Marx Topacio, Kazel Kinouchi
What's on TV

Zoey at Dax, kinakikiligan sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua
Published May 6, 2024 6:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH pushes AI hub proposal to support MSMEs
Marian Rivera launches Vida Essentials line via six-hour live selling session
Riding-in-tandem, binaril ang asong humabol sa kanila sa Ramon, Isabela | One North Central Luzon

Article Inside Page


Showbiz News

Marx Topacio, Kazel Kinouchi


Taas-kamay ng mga boto rin sa tambalang #ZoDax sa hit GMA series na 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Bukod sa buhay ng mag-ina na sina Lyneth at Analyn (Carmina Villarroel at Jillian Ward), nakatutok din ang Abot-Kamay Na Pangarap viewers sa isang kakaibang love story sa serye.

Ito ang tambalan nina Zoey at Dax na kilala bilang ZoDax, ang karakter nina Kazel Kinouchi at Marx Topacio.

Sa previous episodes ng serye, natunghayan kung paano unti-unting nahulog ang loob ni Dax kay Zoey.

Kasunod ng ilang beses na pagpaparamdam ni Dax ng kanyang pagtingin para sa dalaga, na-inlove na rin sa una ang huli.

Si Zoey ang nag-iisang anak ni Moira (Pinky Amador) habang si Dax naman ay ang lalaking binayaran noon ni Moira upang ipaligpit si Lolo Pepe (Leo Martinez).

Ayon kay Zoey, hindi niya alam kung paano nangyari ngunit masaya siyang natutuhan niyang mahalin si Dax.

Si Dax ay itinuturing na kriminal sa serye at si Zoey naman ay kilala bilang bully at maarteng doktor sa APEX Medical Hospital.

Narito ang ilang komento at reaksyon ng netizens at viewers sa tambalang ZoDax.

Samantala, patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

Insert link:

https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/abot_kamay_na_pangarap/home/