GMA Logo Izla in I Heart Movies digital channel
What's on TV

Zombie comedy movie 'Izla,' tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published May 15, 2025 1:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Izla in I Heart Movies digital channel


Kabilang ang zombie comedy movie na 'Izla' sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Horror comedy movies ang matutunghayan ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.

Isa na diyan ang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim na pinagbidahan ni actor comedian Vhong Navarro.

Muling gaganap si Vhong sa pelikula bilang ang albularyong si Mang Kepweng. Gamit ang kanyang mahiwagang bandana, patuloy na nanggagamot ng iba't ibang mga karamdaman si Mang Kepweng.

Pero biglang hihina ang bisa ng kanyang bandana. Paano niya maibabalik ang dating kapangyarihan nito?

Panoorin ang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim, May 16, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Huwag din palampasin ang zombie comedy movie na Izla na pinagbidahan nina Paolo Contis at Beauty Gonzalez.

Tungkol ito sa grupo ng vloggers na pilit na pupunta isang isla para mag-shoot ng isang prank video.

Kahit ipinagbabawal, sasamahan sila ng isang tour guide patungo sa isla kung saan makakaharap nila ang mga ninja na naging zombies.

Makakaligtas pa kaya ang grupo?

Abangan ang Izla, May 17, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.