
Inihatid ng kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi ang kanilang Tatay Zoren Legaspi sa San Mateo, Rizal kung saan naka-lock-in taping ang afternoon series na Bilangin ang Bituin sa Langit.
Sa "new normal," hindi pwedeng umuwi sa kani-kanilang mga bahay ang mga aktor at production crew upang maiwasan ang kanilang exposure sa COVID-19.
Sa isang Instagram post, pinasalamatan ni Zoren sina Mavy at Cassy sa paghatid sa kanya sa Estancia De Lorenzo sa San Mateo, Rizal.
"Thank you @cassy and @mavylegaspi for bringing me here in my bubble," sulat ni Zoren sa caption.
Kahit na naka-lock-in taping ang Bilangin ang Bituin sa Langit, may ilang araw rest day rin sila upang makapagpahinga. Pero ayon kay Zoren, walang "rest day" ang mga artista dahil tuloy-tuloy ang kanilang preperasyon upang mapaganda ang istorya.
Sulat siya sa hiwalay na Instagram post, "It's our rest day today..but not completely, cause an actor prepares."
Sa '23-day lock-in taping' ng 'Bilangin ang Bituin sa Langit,' ginagamit ni Zoren Legaspi ang kanyang rest days upang ihanda ang kanilang sarili sa mga susunod na eksena. / Source: zoren_legaspi (IG)
Sa Bilangin ang Bituin sa Langit, ginagampanan ni Zoren ang karakter ni Anselmo, ang asawa ni Margaux (Ina Feleo) at tatay ni Jun (Yasser Marta).
Pansamantalang napapanood sa timeslot ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMA Afternoon Prime ang One True Love na pinagbidahan nina Alden Richards at Louise Delos Reyes.