GMA Logo Zoren Legaspi
Celebrity Life

Zoren Legaspi, may safety tip para sa mga mahilig mag motor

By Maine Aquino
Published June 9, 2021 5:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Zoren Legaspi


Ikinuwento ni Zoren Legaspi ang kaniyang dahilan kung bakit niya nasabing delikado ang pagmomotor.

Aminado ang Kapuso actor na si Zoren Legaspi na delikado ang pagmamaneho sa motorsiklo.

Ayon sa aktor, nagiging delikado ang pagsakay rito kung kulang sa training ang isang motorcycle rider.

Zoren Legaspi


Saad ni Zoren sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition, "Ang pagmo-motor naman kasi delikado naman talaga 'yan. Pero kung marunong ka hindi siya delikado, promise.

"If you know what you're doing and you're well-trained hindi siya delikado. Nagiging delikado lang 'yan kapag hindi ka talaga marunong at kung reckless ka."

Nagbigay din si Zoren ng payo sa mga misis ng mga motorcycle riders.

Biro nito, "'Yung mga misis dapat hindi sila masyadong, 'Saan ka na? Bakit hindi ka pa umuuwi?' Lalong madidisgrasya 'yung mga asawa ninyo 'pag ganyan."

Dugtong niya, "'Pag nagmo-motor ang sasabihin n'yo lang, 'Sige, umuwi ka ng safe ha'."

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Zoren ang kaniyang bagong tungkulin bilang miyembro ng highway patrol group o HPG

Sa ulat ni Aubrey Carampel '24 Oras' ay ikinuwento ni Zoren kung bakit importante ang pagti-training bago sumabak sa pagmamaneho.

"Huwag silang manghihinayang mag-training. Because 'pag may motor ka, you're excited. You're excited to go out there, you're excited to have fun, excited to ride your bike.

"You're just excited and then malilimutan mo, 'Teka, ano nga ba ang tamang pagmomotor?'"

Kilalanin naman ang iba pang mga celebrity motorcycle enthusiasts sa gallery na ito: