What's Hot

Zoren Legaspi, nagkuwento na 10 years mahigit ang tinatagal sa kanila ng mga kasambahay

By MARY LOUISE LIGUNAS
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated May 13, 2017 4:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Liza Soberano hangs out with 'KPop Demon Hunters' singer Arden Cho
Why your fire safety plan needs financial backup
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed

Article Inside Page


Showbiz News



May kasambahay sila na kasama na nila ng asawang si Carmina noong sila'y 17 or 18 years old pa. 

Sa bloggers’ conference ng 'Our Mighty Yaya,' nagkuwento si Zoren Legaspi tungkol sa positive experiences nila ng asawa niyang si Carmina Villaroel sa kanilang mga kasambahay.
 
“Yung cook namin ngayon ni Carmina, [si Ate Joy], yaya namin noon since I was a teenager, siguro [I was] 17 or 18 years old,” sabi niya.

 

A post shared by zoren_legaspi (@zoren_legaspi) on

 

Masaya sila na nagtatagal sa kanilang pamilya ang mga ito.
 
“Lahat ng mga yayas namin, more than 10 years, so matagal kami mag-yaya. Kapag umaalis yung yaya sa ‘min, nag-che-change sila ng career. Katulad nung yaya ni Carmina, aalis kasi gusto mag-Dubai, magta-trabaho sa ibang basa. Wala namang umaalis dahil may reklamo sa amin,” dagdag ni Zoren.
 
Maganda rin daw ang pakikisalimuha ng mga ito sa kanilang mag-asawa at sa mga anak nilang sina Cassy at Mavy.
 

 

A post shared by zoren_legaspi (@zoren_legaspi) on

 

“Mahilig kami kumuha ng mga yaya na nakakatawa… Sa bahay namin, maraming kengkoy,” aniya.
 
Si Zoren ay isa sa lead stars ng Mother’s Day presentation ng Regal Films. Kasama niya dito sina Aiai Delas Alas, Megan Young, at marami pang iba.