
Inamin ni Zoren Legaspi na tila nakikipagkumpitensiya siya sa talento ng mga anak niyang sina Cassy at Mavy.
Ayon sa Kapuso actor, mas seryoso siya sa pagganap sa iba't ibang roles dahil sa gusto niyang maging magandang halimbawa samga anak nila ni Carmina Villarroel.
Paliwanag ni Zoren, "I think I'm in competition with them. There's a reason why mas serious ako and I want to perform more. Para wala silang masabi, Kasi baka kainin ko 'yung sinabi ko e. "
Photo source: @zoren_legaspi
Sa interview ng press para sa Apoy sa Langit, ibinahagi rin ni Zoren ang ibinilin niya kina Mavy at Cassy bago pumasok sa showbiz.
"Sabi ko sa kanila kung mag-aartista kayo, make sure marunong kayo. Hindi 'yung nag-artista kayo dahil anak kayo ng artista. Sabi ko, nakakahiya. Although pupwede 'yun, but it's embarassing. Don't go that way. Kaya ka nag-artista dahil marunong ka."
Masaya si Zoren na nagbunga naman ang bilin niya sa kanyang mga anak.
Saad ng aktor, "Thankful naman ako na 'yung mga una nilang proyekto all praises naman sila for newcomers. They are doing so well in their own career in acting so wala akong problema."
Para kay Zoren, importanteng ipakita ang kanyang husay sa pag-arte para pakinggan siya ng mga anak.
"It's just that I need to raise my standard para somehow makita nila. Kasi, 'yung nanay nila mahusay na artista, e, mahusay talaga 'yun. Ako, I need to raise my bar para 'pag nagsasalita ako sa kanila, magbigay ako ng opinyon, they will listen to me," paliwanag ng aktor.
Samantala, tingnan ang sweetest photos nina Zoren at Carmina sa gallery na ito: