
Ipinagdiriwang ngayon ni Zoren Legaspi ang kanyang 50th birthday.
Noong January 24, muling sumalang sa lock-in taping si Carmina Villarroel para sa GMA primetime series na Widows' Web kaya naman hindi niya makakasama ang asawang si Zoren sa pagdiriwang ng kaarawan nito.
Pero si Zoren na mismo ang nagbigay ng sorpresa para makita nila ang isa't isa sa espesyal na araw na ito.
"The birthday boy surprised me! So near yet so far. I can't kiss or hug him so virtual hugs and kisses na lang. Thank you tatay. Convoy na lang going to our location," pagbabahagi ni Carmina.
Katulong din ni Zoren sa isinagawang sorpresa ang anak na si Cassy.
Ikinasal sina Carmina at Zoren noong November 15, 2012 at biniyayaan ng dalawang anak na sina Cassy at Mavy.
Happy birthday, Zoren Legaspi!
Samantala, tingnan ang masayang pamilya nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi sa gallery na ito: