Celebrity Life

Zsa Zsa Padilla thanks Karylle and Yael Yuzon for their wise words

By Rowena Alcaraz
Published April 13, 2019 3:01 PM PHT
Updated April 13, 2019 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pila ka mga turista, ginpili igasaulog sang bag-ong tuig sa isla sang Boracay | One Western Visayas
Electrical issues are top cause of New Year's Eve fires – BFP
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin ang mga tinuran nina Karylle at Yael Yuzon tungkol sa pagpapatawad.

Pinasalamatan ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla ang anak na si Karylle at kanyang son-in-law na si Yael Yuzon matapos mag-post ni Karylle ng tungkol sa pagpapatawad.

Zsa Zsa Padilla
Zsa Zsa Padilla

A post shared by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla) on

Matapos ibahagi ni Zsa Zsa ang post ni Karylle, nagpahayag dito ito ng sariling realization.

"I realized anger eats you up. Ikaw ang affected and deadma lang 'yung tao na gumawa sa iyo ng kasalanan. Kaya tama na magpatawad at gawin ito para sa sarili."

Zsa Zsa Padilla reveals to be friends with ex-husband

Kasunod nito, nagkuwento na ang aktres tungkol sa pinagdaanang kaso ng fake marriage at identity theft.

Aniya, "Sa mga pinagdaanan ko the past two years, kinailangan kong magdasal at ipasa Dyos ang gumawa sa akin ng Fake Marriage and identity theft. 'Di biro makasal sa isang taong 'di mo kilala at ginamit lang ang detalye ng birth certificate mo.

"Pinakahirap para sa akin tanggapin na kinailangan kong i-annul ang isang kasal na obviously ay fake. Naisip ko - eh 'di parang sinabi ko na totoo nga Ito?! Pero nagtanong tanong ako at iyon ang advise nila.

"Nung una, napaka sakit tanggapin. So, 2-3 months after I found out at naubos na ang galit at luha, nasabi ko sa sarili ko na dapat pag file ko ng annulment, tanggap ko na at wala ng bahid ng hatred sa puso ko. Kaya pinatawad ko na kung sino man ang gumawa sa akin nito."

Sa ngayon, natapos na ang annulment case at moving on na ang singer-actress.

"Natatapos din talaga ano mang kalbaryo sa buhay. God, You only give what we can bear. Salamat, Panginoon dahil ginabayan mo ako. Thank you Karylle and Yael for your very wise words. #forgive"

A post shared by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla) on